Wednesday, May 28, 2014

Writ of execution tinanggap na ni ER Ejercito

MALUWAG sa kalooban na tinanggap ng diniskwalipika na si Laguna Governor ER Ejercito ang writ of execution na isinilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC) sa kapitolyo.


Matiwasay ang mga itong nakapasok sa tanggapan ni Ejercito sa kabila ng barikada ng mga tagasuporta ng gobernador.


Sinabi ni DILG 4-A Director Josefina Castillo-Go na maluwag na tinanggap ni Ejercito ang writ of execution at kalmado naman ito.


Nirerespeto umano ng DILG at COMELEC ang panindigan ni Ejercito na huwag bumaba sa puwesto hangga’t hindi pa nakapagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa hirit niyang temporary restraining order (TRO).


Nangako si Ejercito na anuman ang desisyon ng Korte Suprema ay susundin niya kahit na hindi pabor sa kanya.


Napag-alaman na si Ramil Hernandez na dating bise gobernador, ang pumalit kay Ejercito bilang gobernador ng Laguna.


Itinakda naman ngayon ni Hernandez ang gaganaping pagpupulong ng mga department heads para sa pagpapatakbo ng gobyerno sa Laguna.


Si Ejercito ay dinisqualify ng COMELEC dahil sa sobra-sobrang paggastos noong 2013 elections.


The post Writ of execution tinanggap na ni ER Ejercito appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Writ of execution tinanggap na ni ER Ejercito


No comments:

Post a Comment