ILALABAS na mamaya ni Judge Elmo Alameda ang desisyon sa hiling ng utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na manatili pa ng matagal sa Ospital ng Makati (OsMak).
Inaasahang ipag-uutos na ang pagbabalik kay Napoles sa Fort Sto. Domingo, matapos maoperahan at ma-delay ang transfer nito dahil sa naranasang bleeding.
Una rito, sa pagdinig sa mosyon ng kampo ng pasyente sa Makati Regional Trial Court Branch 150, sinabi ni Dr. Florentina Villanueva ng OsMak na maaari nang makalabas ng ospital si Napoles.
Ipinatawag din ng korte si OsMak Dir. Dr. Perry Ishmael Peralta, upang ikumpara ang mga pahayag ng mga doktor ni Napoles bago ibaba ang resolusyon sa lahat ng mosyon.
Tiniyak naman ng PNP ang kahandaan sa paglipat kay Napoles lalo’t matagal na nila itong napagplanuhan.
Magsasama rin ng medics sa gagawing convoy para ma-monitor ang kalagayan ng pork barrel scam queen.
The post Napoles ililipat na sa Fort Sto. Domingo appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment