Wednesday, May 28, 2014

Sunog sa Lucena City public market iniimbestigahan na

INIIMBESTIGAHAN na ng arson investigators ng Bureau of fire Protection (BFP) ang naganap na sunog na tumupok sa Lucena City public market.


Ayon kay PO1 Jet Comendador ng Lucena City Police Station, bandang alas-9:00 kagabi nang matanggap nila ang impormasyon na nasusunog ang palengke sa nasabing lugar kaya agad nila itong ipinaalam sa BFP para sa agarang responde.


Samantala, sinabi ng opisyal na nasa under control na ang sunog alas-12:45 kaninang madaling-araw.


Una rito, inilarawan ng opisyal na maabot sa apat hanggang limang ektarya ang lawak ng nasabing palengke habang kabilang sa apektado ng sunog ang tindahan ng prutas at likurang bahagi ng pamilihan.


Sa ngayon, naghihintay pa sila ng karagdagang ulat galing sa BFP tungkol sa sanhi ng sunog at iba pang detalye.


The post Sunog sa Lucena City public market iniimbestigahan na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sunog sa Lucena City public market iniimbestigahan na


No comments:

Post a Comment