DISMAYADO ang iba pang whistleblowers sa Office of the Ombudsman sa bilis na pag-apruba ng immunity ni Ruby Tuason kaugnay sa PDAF scam.
Sinabi ni Atty. Stephen Cascolan, abogado ng ikalawang batch ng whistleblowers, nagulat umano ang kanyang mga kliyente kung bakit inuna pa ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang immunity ni Tuason kaysa sa kanilang aplikasyon na matagal nang naka-pending.
Ayon pa kay Cascolan, hindi nila kinukuwestyon kung ano ang nasa likod ng agarang pag-aksyon ng Ombudsman sa hiling ni Tuason, ang ipinagtataka lang nila ay kung bakit wala pang linaw sa hinihingi nilang immunity na mag-iisang taon nang nasa Ombudsman.
Si Cascolan din ang counsel ng mga whistleblowers na sina Marina Sula, Monette Briones at Arlene Baltazar.
The post Whistleblowers, dismayado sa bilis ng immunity ni Tuason appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment