Friday, May 2, 2014

P.4M natangay ng “dugo-dugo gang” sa kasambahay

TINATAYANG aabot sa P400,000 halaga ng mamahaling alahas at cash ang natangay mula sa isang 3rd year college student na namamasukang kasambahay nang mabiktima ng dugo-dugo gang.


Naghain ng pormal na reklamo sa MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktimang si Hydee Ang Santos, 44, ng Legarda St., Sampaloc, Maynila laban sa mga suspek na umano’y nagpakilalang isang abogado, isang babae at isang nagpanggap na siya si Hydee Ang Santos, na nagmando sa kasambahay na si April dela Cruz Musngi hinggil sa vault.


Agad namang iniutos ni Manila Police District-General Assignment Section chief, P C/Insp. Dennis Wagas na magsagawa ng follow-up operation laban sa mga suspek.


Ayon sa pahayag ni dela Cruz, nakatanggap siya ng tawag sa telepono alas-5:00 ng hapon noong Huwebes, Mayo 1, at sinabi umanong kunin sa kuwarto ng amo ang vault at saka isilid sa isang bag bago dalhin sa simbahan sa Navotas City.


Upang lalong mapaniwala umano ang kasambahay ng suspek ay ipinakiusap pa sa kanya ang amo at muling ipinasa ang telepono sa isa pang nagpakilalang babaeng abogado, na nagsabing nakadisgrasya nga ang amo at kailangan ang malaking halaga para ipambayad sa nasagasaan.


Ayon pa sa kasambahay, nang ibigay niya ang bag na naglalaman ng vault sa isang babae sa napagkasunduang lugar, hinimok siya na maghintay at babalikan siya sa katabing 7/11 convenience store sa Navotas City.


Gayunman,bandang alas-7:00 nainip umano si dela Cruz kaya umuwi na lamang at nagulat siyang naroon ang amo at hindi totoo ang mga sinabi ng mga suspek.


Dahil sa pangyayari, humingi ng tulong sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) ang biktimang si Santos na umasiste sa paghahain ng reklamo sa MPD-GAS.


The post P.4M natangay ng “dugo-dugo gang” sa kasambahay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P.4M natangay ng “dugo-dugo gang” sa kasambahay


No comments:

Post a Comment