HANDANG-HANDA na ang lahat ng tanggapan ng ahensya ilang araw bago ang pagbubukas ng Commission on Elections (Comelec) para sa registration.
Ayon kay Comelec Commissioner Grace Padaca, pupunta na lamang ang publiko sa bawat tanggapan saan mang bahagi ng bansa na magbubukas mula Linggo hanggang Huwebes alinsunod sa ipinasang resolusyon ng pamunuan.
Umaasa ang Comelec na makapagrerehistro ng 3-milyon sa mga bagong botante partikular ang kabataan na may edad 18.
Habang tinatawagan naman ng kanilang tanggapan ang nasa 10-milyon na mga botante na wala pa ring biometrics hanggang sa ngayon.
Batay sa kanilang pag-aaral at isinagawang monitoring, napag-alaman na maging ilang professionals ay wala pang biometrics.
Ang sinoman na hindi makapag-update ng kanilang mga data bago ang halalan ay hindi mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa presidential elections sa 2016.
The post Comelec, handang-handa na sa May 6 registration appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment