Wednesday, May 28, 2014

3-anyos na babae, pinagsasaksak saka tinaga sa ulo

MATINDING galit ang nakikitang dahilan ng pulisya sa hindi pa pinangalanang suspek nang patayin nito ang tatlong taong gulang na babae sa Bangan, Sablan, Benguet.


Ayon kay PS/Insp. Christian Alucod, nagtamo ang biktima ng 11 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, maliban pa sa dalawang taga sa ulo.


Una rito, umalis ang ina ng bata kasama ang kanyang pamangkin para kumuha ng gulay nang nakarinig sila ng tahol ng aso.


Dahil dito ay pinabalik niya ang kanyang pamangkin sa kanilang bahay, at dito na tumambad ang duguang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay.


Sa pagresponde ng awtoridad ay agad na natukoy ang suspek sa krimen na nakatakda nang arestuhin.


The post 3-anyos na babae, pinagsasaksak saka tinaga sa ulo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3-anyos na babae, pinagsasaksak saka tinaga sa ulo


No comments:

Post a Comment