NAKATAGO at ayaw nang ipakita sa mga mamamahayag ang spot report na ipinapadala sa Northern Police District na parang may itinatago.
Ito ang naranasan ng ilang mamamahayag sa CAMANAVA kahapon dahil nakatago sa mesa ang mga spot report ng isang Chief Insp. Yamot at kailangan pa raw humingi ng permiso sa nasabing opisyal upang makopya o makunan ng litrato ang na mga nasabing dokumento.
Ilang mga tauhan din ng District Investigation ang nagtataka kung bakit inakyat muli ang mga spot report na ibinaba na ng Tactical Operation Center ng NPD.
Dati ay makikita ang mga spot report sa opisina ng District Investigation at dati ay puwedeng dumirekta sa TOC ang mamamahayag upang makita ang mga spot report subalit pinagbabawalan na at sinasabing ibababa na lang sa nabanggit na opisina.
Utos kaya ito ni NPD-Director Chief Supt., Edgar Layon o sariling diskarte lang ng nakakayamot na si Major Yamot?
The post Spot report sa Northern Police District nakatago na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment