Saturday, May 3, 2014

Recososa puntirya ang 2nd place

TARGET ni Pinoy woodpusher Recososa Napolean (elo 1877) ang second place finish kaya naman kailangan nitong manalo kontra kay Uurtsaikh Agibileg (elo 1819) ng Mongolia sa ninth at final round ng nagaganap na 2014 World Amateur Chess Championships – Open sa Singapore.


May nailistang 6.5 puntos si No. 37 seed Napolean kung saan ay kasalo ito sa fourth to fifth place sa event na ipinatutupad ang ninth rounds swiss system.


Pinagpag ni Napolean si Khurelchuluun Bayarkhuu sa round 8 kanina upang makasama si Lee Max Chew (elo 1951) ng Australia sa nasabing puwesto.


“Wala ng chance sa top pero malaki ang pag-asa natin sa second place kaya sana maipanalo ko itong huling laro ko,” wika ni Napolean.


Mag-isa sa unahan si Ashvin Sivakumar (elo 1926) ng Singapore na may 7.5 pts. ito’y matapos pisakin sa round eight si Ali Al-Hamed Zayed (elo 1945) ng United Arab Emirates.


Agawan naman sa segundo puwesto sina Mongolian chessers Uurtsaikh Agibileg (elo 1819) at Gijir Munkhbayar (elo 1946) kapit ang pitong puntos.


Samantala, matapos ilista ang perfect six points, nalasap ni Vincent Umayan ang ikalawang sunod na kabiguan kaya lumanding ito sa pang-anim na puwesto.


Unang kumaldag kay unrated Umayan ay si Sivakumar sa seventh round habang si Munkhbayar ang pangalwang bumigo sa kanya sa eighth round.


Huling makakalaban ni Umayan ay si Abbas Mansour (elo 1915) ng UAE.


Ang ibang Pinoy na nanalo sa penultimate ay sina Leonardo Alidani, Umadhay Jer, Eric Laforteza Lalas at Rafael Paragas Payumo.


The post Recososa puntirya ang 2nd place appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Recososa puntirya ang 2nd place


No comments:

Post a Comment