Saturday, May 3, 2014

Bebot pinatay sa hotel sa QC

PATAY na nang natagpuan ang isang hindi pa nakilalang babae makaraang sakalin hanggang sa mamatay sa loob ng Selenna hotel sa Aurora, Cubao, Quezon City kaninang umaga, Mayo 3, 2014.


Ang biktima ay natagpuang may tali pa ng tuwalya sa leeg.


Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng room 331 ng Selenna Hotel sa kahabaan ng Aurora Blvd., cor. Stanford St., Bgy. Socorro, QC alas-6:30 ng umaga.


Nabatid sa ulat na bago natagpuang patay ang biktima ay nakarinig muna ng malakas na sigawan sa kuwarto nito.


Agad tinungo ng mga staff at tauhan ng hotel ang kuwarto ng biktima at bumulaga sa kanila ang wala nang buhay na biktima habang may tali pa ng tuwalya sa leeg.


Nakatakas naman ang kasamang lalaki ng biktima matapos magpumiglas habang pinigilan ng mga staff ng naturang hotel nang dumaan sa second floor ng fire exit ng hotel.


Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.


The post Bebot pinatay sa hotel sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot pinatay sa hotel sa QC


No comments:

Post a Comment