BAGO pala magsimula ang show nina Boy Abunda at Kris Aquino, hindi pinalalampas ni Kuya Boy ang panonood ng The legal Wife. Ayon mismo kay Boy, hindi raw niya gagayahin ang ginagawa ni Maja Salvador kung saka–sakaling siya ang nasa role ni Maja. Mang–aagaw kasi ng asawa si Maja sa top-rating evening soap na ‘to ng ABS-CBN.
Awang–awa naman si Kuya Boy kay Angel Locsin na siyang inaagawan ng asawa. Bago kasi magsimula ang Aquino & Abunda Tonight, nakatutok ang multi-awarded TV host sa The Legal Wife.
Isa sa pinakasikat na TV host ngayon si Kuya Boy at marami rin siyang hawak na artista kaya naman siya ngayon ang tinaguriang main man sa industriya. Bukod sa magaling na TV host, mahusay na manunulat, magaling na talent manager at maayos makisama sa mga taga industriya.
&&&&
PATULOY ang adhikain ng Eat Bulaga na makatulong sa mga batang mag-aaral at alalayan sila patungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap. Para sa lahat ng gustong maging EBest awardee o kung may kakilala man kayo, magtulungan tayo upang matupad ang kanilang mga pangarap. Puwede niyo po i-download dito sa aming Facebook page ang application form ng Eat Bulaga.
&&&&&
ISA sa mahusay na Congresswoman nang 4th District ng Manila si Congresswoman Trisha Bonoan na balak tumakbong Vice–Mayor ng Maynila sa 2016. Tapos na kasi ang kanyang termino.
Sa ngayon, wala pang malakas na makakalaban si Congresswoman Bonoan kaya sure win siya sa 2016.
Madali kasing lapitan at bukod doon, ang priority niya ay ang scholarship sa Maynila.
Nagbibigay siya ng scholarship sa buong Maynila at mga serbisyong medikal.
&&&&&
KAYOD kabayo ang isang sexy star na matanda na pero ang kanyang kabit na lalaking teenager ay panay naman ang inom at sugal kaya balewala ang pagsisikap ng sexy star na may edad na.
Kumbaga, ginagatasan lamang siya ng kabit niyang lalaki na madalas display niya sa mga showbiz event kaya sabi tuloy ng isang beterang manunulat, “Ano ba yan? Ang aga namang naging sugar Mommy ng sexy na ito.”
Ang sexy na ito ay kilalang–kilala ng mga baklitang reporter. Nagkaroon pa ito ng comeback movie pero nilangaw sa mga sinehan.
_____________________________________
The post Sexy star, maagang naging sugar Mommy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment