Saturday, May 3, 2014

Ate Vi, ayaw patulan ang mga Noranian

SA murang edad ay nagtrabaho na ang Star for All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto and she was thrust in the spotlight with the humongous box-office hit, Trudis Liit.


Naitanong sa industry icon kung sa tingin ba niya ay napagkaitan siya ng kanyang kabataan dahil dito?


“Hindi naman ganu’n, dahil parang naglalaro rin ako habang nagtatrabaho. Naranasan ko rin naman ang magkaroon ng mga laruan at yung normal na ginagawa ng mga bata,” pahayag ni Ate Vi.


May mga puna pa rin ngayon sa mga bagong child stars pati na ang ilang psychologist na nagsabing hindi maganda sa kanilang emotional growth ang pagkayod ng maaga. Ano ang masasabi ni Ate Vi dito?


“You mean like sina Ryzza Mae at Bimby? Sa totoo lang, natutuwa ako sa kanila when I see them.

Nasa parents na siguro ‘yun to give their children kung ano ‘yung mga kailangang ma-experience ng isang bata.


“Kung nag-eenjoy naman ang bata sa kanilang ginagawa, I don’t see anything wrong with it. Hindi lang naman dito sa Pilipinas may mga child stars,” sagot ng Batangas Governor sa issue sa isa kong naunang panayam sa kanya.


On another note, nagpapasalamat si Ate Vi sa mga Manunuri dahil nominated siya ngayong taon for the Best Actress plum sa Urian Awards at makakalaban niya sa kategorya ang isa pang haligi ng industriya na si Nora Aunor. Si Ate Vi para sa kanyang pagganap bilang isang Ekstra at si Ate Guy para sa ginampanang papel ng isang faith healer sa Ang Kuwento Ni Mabuti.


Ayaw nang patulan ni Ate Vi ang pagdawit sa kanyang pangalan sa issue ng pagkakaroon ng malaking utang ni Nora kay Coco Martin na siya raw ang nagpakalat ng balita.


“Sa totoo lang, dito pa lang sa Batangas, eh, medyo pagod na tayo. Isa pa ba ‘yan sa mga iintindihin natin,” sabi ng actress/politician.


——


MARAMI ang nagpapatotoo na hiwalay na sina Andi Eigenmann at si Jake Ejercito at kahit maingat ang nanay ng una na si Jacklyn Jose sa kanyang mga pahayag sa media, we can just read between the lines sa kung ano ang real score sa affair ng controversial lovebirds.


“Baka kasi magkamali ako (ng sasabihin) ayaw ko naman masabihan na nangingialam ako. Sino ba ang kasama niya sa Boracay?? Tingnan natin sa InstaGram,” sabi ni Jacklyn.


One glance at Andi’s account and we see no post na may kasama nga siyang bagong dyowa sa famous tropical destination. Nali-link ngayon si Andi sa dating child actor at naging DJ sa States na si Tom Taus.


Umamin si Jacklyn na naging malapit sa kanya ang binata ni Mayor Erap at itinuring na rin niya itong anak.


——


TULOY ang Serbisyong Ramdam Mo ni Bacoor City Mayor Strike Revilla at dinagsa ng libo-libong aplikante na naghahanap ng trabaho dito man o sa abroad ang isinagawang Job Fair ng City Government sa SM Bacoor at SM Molino.


Dahil sa walang kapagurang serbisyo publiko sa mga taga-Bacoor kaya iginawad kay Mayor Strike ang Best City Mayor for Luzon award ng Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. nitong nakaraang buwan.


Binabati natin ang friend natin sa Sta. Cruz, Laguna na si Mhilka Nofuente at sina Melody Galasinao, Judea Elipane, Virgie Balondo, Olivia Vitug at Jeramie Garcia ng San Antonio, Nueva Ecija. Maligayang pagbabasa ng REMATE.


The post Ate Vi, ayaw patulan ang mga Noranian appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ate Vi, ayaw patulan ang mga Noranian


No comments:

Post a Comment