Saturday, May 3, 2014

Joem Bascon, may launching movie na!

SASABAK na si Joem Bascon sa action movie via Bagong Dugo ng 3J’s Production. Mismong ang director na si Val Iglesias ang nag-initiate kay Joem na pasukin ang action movie para naman maipakita ang pagiging versatile actor.


Sa drama at comedy, ‘di na matutularan ang kagalingan ni Joem. Hinubog ang talent ng aktor sa acting sa sunud-sunod na soap opera niya sa ABS-CBN at iba pang programa ng Dos.


Ayon kay Direk Val, gusto niyang ibalik ang intensity ng action movie sa local industry.


Gusto niyang maging part ng genre ng pelikula ang action. So far, ang Bagong Dugo ang pelikula na matagal na niyang naplano. Pinag-isipang mabuti para sa execution ng mga natatanging stunts at action scenes ay ‘di matutularan sa pelikula.


Naniniwala si Direk Val na nakilala rin noong batikang stunt director, hanggang pinasok niya ang film writing at ngayo’y isa pinagpipitagang action directors ng bansa, na gagawa rin si Joem ng pangalan sa action movies. Sa palagay ni direk Val, nasa dugo rin ni Joem ang isang action star.


Kasama sa Bagong Dugo para gumanap ng mahahalagang roles sina Mark Gil, Monsour del Rosario, Dick Israel, Roi Vinzon, Alma Concepcion, Efren Reyes Jr, Alvin Anson, Levi Ignacio, Ely Almares, Milagring, Ian Ignacio at ang leading lady ni Joem, ang baguhang si Alexis Navarro.


Ipapalabas sa mga sinehan ang Bagong Dugo sa May 28 sa buong Pilipinas.


MARIAN RIVERA,TULOY SA PAGKAKAWANGGAWA!


TULOY ang pagbibigay ni Marian Rivera ng bangka sa kanyang kaarawan sa Agosto para sa mga mangingisda ng Bantayan, Cebu. Sa mother’s day, ‘di siya magtatrabaho. Ipapasyal niya ang kanyang ina.


Happy si Marian sa kinalabasan ng Carmela soap niya na kapartner ay si Alden Richards. Kasi, iba namang intensity ng drama ang kanyang ipinakita sa soap. Bukod pa sa may kirot sa puso niya ang soap dahil mag-ina ang role nila ni Agot Isidro. Feel niya ang pagmamahal ng ina sa anak sa soap. Kaya naman ang adhikain niyang ipagtanggol ang ina ay laging nasa isip niya. Matatapos ang soap sa May 23.


Sa totoong buhay ay mahal na mahal ni Marian ang kanyang ina. Nang magkahiwalay ito at ang Spaniard na father niya, ito at ang kanyang lola sa mother side ang kumandili nang husto sa pagpapalaki at pag-aaral niya hanggang sa kolehiyo.


Touched si Marian na pag-usapan ang kanyang ina. Kaya noong pocket interview ng Carmela sa 17th floor ng GMA 7, naibalita niya sa press na ilalaan niya ang Mother’s Day sa kanyang butihing ina. ‘Di siya tatanggap ng trabaho. Talagang magsasama silang maghapon na mag-ina. Ipapasyal niya ang kanyang mother.


Samantala, kahit sa August pa ang birthday ni Marian, pinaghahandaan niya ang kaarawan niya dahil muli siyang mamimigay ng more than 100 bancas para sa mga mangingisda ng Bantayan, Cebu.


Dahil sa bagyong Yolanda, nawalan ng bangkang pangisda ang mga mangingisda roon. Gusto niyang makatulong nang husto dahil naipangako niya ito.


Ayon kay Marian, so far ang biggest donor niya ngayon ay si dating Cong. Ronald Singson. Nag-pledge sa kanya si Ronald ng P500 thousand cash na pambili ng Bangka. Bukas pa rin ang donation kay Marian hanggang ngayon.


The post Joem Bascon, may launching movie na! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Joem Bascon, may launching movie na!


No comments:

Post a Comment