HINDI tayo abogado para magkomento sa ligal na aspeto sa kinahinatnan ng “Recall Petition” na isinampa laban kay Bulacan Gov. Wilhelmino “Willy” Alvarado.
Pero naniniwala tayo, parekoy, na hindi kailangan ang abogado muna para lang mapagtanto kung hinimas, nilamutak, kinaladkad o minadali ng korte ang isang usapin pabor sa isang tao.
Sa pakiusap ng karamihan ng “signatories”, ating ipaaalam sa madlang pipol ang mga detalyeng ito.
Si Gov. Alvarado ay pinalalayas na mula sa kapitolyo ng Bulacan sa pamamagitan ng isang “recall election” dahil sa mga kadahilanang alinsunod sa batas.
Sa sunod na natin hihimayin, parekoy, ang mga kadahilanan kaya nagalit ang kanyang mga kalalawigan, dahilan kaya hiniling nila sa Comelec ang isang “recall election.”
Sa batas ay kailangan lang ng 183,069 lagda mula sa 1,830,698 voting age population ng lalawigan ng Bulacan upang mapaalis sa pwesto si Gob. Alvarado.
Samantalang ang recall petition na ito ay nilagdaan ng 319,707 rehistradong botante.
Dahil hindi lamang nasunod ang batas, bagkus ay sobra pa ang bilang, kaya ang “recall” na isinampa noong Abril 28 ay tinanggap ng Comelec at kinabukasan mismo Abril 29 ay sinimulan ang pagberepika ng mga lagda.
Alas-12 naman ng tanghali noong Abril 30 ay agad nagsampa sa Bulacan Regional Trial Court itong si Gov. Alvarado ng Temporary Restraining Order para utusan ang Bulacan Provincial Comelec Officer na itigil ang kanilang ginagawang proseso.
Pagkaraan lang ng isang oras at kalahati, 1:30 ng hapon kaagad itinakda ng RTC ang pagdinig sa TRO na isinampa ng gobernador.
Pagkaraan ulit ng isang oras at kalahati, o alas-3 ng hapon ay nai-raffle na itong mahimalang TRO!
At pagkaraan uli ng isang oras, o alas-4 ng hapon, nilagdaan na ni Bulacan 2nd Vice Executive Judge Albert R. Fonacier ang lintek na TRO!
King-ina, parekoy, sa loob lang ng 4 na oras ay naisampa, dininig, ni-raffle at nilagdaan ang hijo de-kabron na TRO! Grrrr!
In-short, ang lagda ng halos kalahating milyong Bulakenyo ay iginarahe ng lagda ng iisang huwes lamang.
Sa totoo lang, parekoy, ay kahanga-hanga itong ga-kidlat sa bilis na ginawa ng hukumang Bulacan RTC.
Kung sana ay ganito rin kabilis kung tratuhin nila ang lahat ng kasong isinampa sa kanilang sala?
Kung sana ay ganito rin kabilis tratuhin ng Bulacan RTC ang mga reklamo, demanda o petisyong isinasampa sa kanila, kahit hindi ang “almighty god” ng Bulacan ang nasasangkot!
Hanga na talaga ako sa iyo, Gob.
King-inaaaa!
The post RECALL PETITION SA BULACAN IGINARAHE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment