TINANGGAP ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mabisa at makabagong teknolohiya ng geo-tagging sa pagpapatupad ng reforestation program ng gobyerno.
Sinaad ni Secretary Ramon J.P. Paje na sinimulan na ng DENR ang paggamit ng geo-tagging system bilang pagbabantay sa progreso ng National Greening Program (NGP), na naglalayong masakop ang 1.5 milyong hektarya ng lupa at puno mula 2011 hanggang 2016.
Sabi ni Paje, ang paggamit ng geo-tagging sa NGP ay “makasisiguro na may integridad at tama ang accomplishment report, partikular sa patuloy na paggawa ng programa.”
Ang geo-tagging ay proseso ng pagkuha at pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga litrato at videos, karaniwan itong ginagamitan ng camera o mobile phone na may global positioning system o GPS.
Ang DENR ay namuhunan sa mga mahahalagang pagkukunan upang bumili ng geo-tagging equipment at upang magsanay ng mahigit 300 tauhan ng forestry sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya mula sa GPS at web-based mapping upang magkaroon ng tunay at tamang panahon ng pagsubaybay (real-time monitoring) sa lugar na kinaroroonan ng NGP, lalong-lalo na sa pagkuha sa wastong bilang ng mga punong kahoy na naitanim upang malaman ang kanilang kondisyon at kalagayan.
Sinabi rin ni Paje na ang tamang mapa sa mga lugar ng pinagtamnan at ang pagtukoy sa lugar nito ay ang dalawang mahahalagang elemento na wala sa mga nakalipas na reforestation program ng gobyerno.
“Kahit sa mga malalayong lugar, kung saan pinapagamit ng NGP ang lugar sa mga peoples’ organization upang mapagtamnan bilang parte ng kanilang livelihood, ibibigay ng nasabing teknolohiya ang kapasidad upang madaling maiwasto, malaman ang kinatatamnan, masubaybayan at mapangalagaan ang mga proyekto sa mga malalayo, liblib at komplikadong mga lugar, ayon pa kay Kalihim Paje.
The post DENR ADOPTS GEO-TAGGING IN NGP IMPLEMENTATION appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment