KUNG gusto ng Liberal Party na makabangon muli ang kanilang pambatong si DILG Sec. Mar Roxas ay dapat silang gumawa ng paraan para sulsulan at tumuloy na tumakbong pangulo muli ng bansa itong si Manila Mayor Erap Estrada.
Sa nakikita kasi natin ay ito na lamang ang makapipigil sa pagkapangulo ni VP Jojo Binay na sa ilang araw na lang ay ibabandera na sa madla ang kanyang bagong partido na siyang gagamitin nito para sa 2016 election.
Maging ang mga negosyante o political financiers ay magiging mailap daw kay Roxas dahil alam naman daw nilang walang tsansa ang asawa ni Korina na makaupo sa pinakamataas na pedestal ng bansa.
Kung tutuloy kasi si Erap na tumakbong muli bilang presidente ng ‘Pinas ay tiyak mahahati ang botong makukuha ni Binay at dito lamang lalakas ang tsansa ni Roxas.
Simpleng dahilan lamang ang puwede nilang isubo sa grupong Estrada para kagatin ito ng dating Pangulo at iyan ay ang pag-iwan ni Binay kay Jinggoy para gawing ka-tandem sana sa halalang 2016.
Malinaw na nabuo lamang ang Erap for president again movement nang magdesisyon si Binay na kalimutan na ang Binay-Jinggoy tandem matapos bumaho ang pangalan ng panganay na anak ni Erap kay Loi dahil sa pork barrel scam.
Lalo pang nakumpirma ito ng grupong Estrada matapos palutangin ni Binay na isang ekonomista na malayong-malayo kay Jinggoy ang kanyang magiging ka-tandem.
Pokus ang kailangang gawin muna ng grupo ni Roxas at kailangan nilang mapagtagumpayan ‘yan dahil ang pag-uudyok lang kay Erap, na pumangalawa kay PNoy noong 2010 at nagdala kay Binay para maging Pangalawang Pangulo ang susi sa LP para manatili ang kanilang pader sa Malakanyang.
The post ERAP SINISIMULAN NA NG MALAKANYANG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment