Friday, May 2, 2014

PASUGALAN NI KAPITAN PADER DAW KAY MAYOR TIQUIO

johnny_magalona103 SILIPIN natin ito namang iligal na pasugalan na minamantine nitong dating tinaguriang “Paihi King” na si Felix Gutierrez ng Brgy. Aguila, San Jose, Batangas.


Matapos na mahalal na barangay kapitan ng Brgy. Aguila si Kap. Felix Gutierrez, sinimulan naman ng mamang kapitan na ito na magmantine ng mga iligal na pasugalan sa sakop ng barangay nito.


Simula hapon hanggang hatinggabi ay namamayagpag ang color games at beto-beto ni kap sa kanilang barangay sa basketball court sa likod ng bahay nito.


Halos gabi-gabi at walang palya kung magpasugal si kapitan sa kanilang barangay.


Ang matindi pa rito, bantay-sarado ng mobile patrol ng San Jose Police ang pasugalan ni Kap. Guti.


Matatawad na itong puwesto pijo ang pasugalan na minamantine ni Kap. Guti dahil araw-araw kung mag-operate ito sa barangay.


Nagtataka ako kay San Jose Mayor Eutiquio Briones kung bakit napaka-untouchable ang mga pasugalan ni Kap. Felix.


Hindi ko sinasabi na malaki ang tongpats n’ya sa pasugalan na ito ni kapitan!


He..he..he..


BOOKIES NI ABANG SA MANILA, TULOY PA RIN


IPINATABLA raw ni MPD General (to be) Rolly Asuncion ang lahat ng uri ng iligal na pasugalan sa Maynila.


Pero nakapagtataka, patuloy ang operasyon ng bookies ng karera at lotteng ni Boy Abang sa buong Maynila na ang front ay si Lorna. Malakas ang loob ni Boy Abang dahil ginagamit niya ang pangalan ng dating heneral na si Mr. Kalinisan sa mga iligal na pasugalan nito.


Wala raw magagawa si Gen. (to be) Asuncion na pahintuin ang kanyang pasugalan dahil sa protektado siya ni Mr. Kalinisan.


Totooba ito, Gen. (to be) Asuncion?


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post PASUGALAN NI KAPITAN PADER DAW KAY MAYOR TIQUIO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PASUGALAN NI KAPITAN PADER DAW KAY MAYOR TIQUIO


No comments:

Post a Comment