IAAPELA sa Lunes sa Korte Suprema ng Whistleblowers Association of the Philippines upang obligahin si Justice Secretary Leila de Lima na isapubliko ang affidavit ni Janet Lim-Napoles.
Ayon sa Pangulo ng samahan na si Sandra Cam, ito ay para maikumpara ang listahang hawak ni De Lima sa pork barrel list na ibinigay sa kanila ng isang indibidwal na malapit sa pamilya Napoles.
Samantala, binatikos din nito ang kalihim sa pagtatago ng katotohanan sa taumbayan.
Hinikayat din nito ang iba pang grupo na sabayan sila sa paghahain ng mandamus upang maobliga ang administrasyon na ilabas ang dokumento.
The post Pagsasapubliko ng affidavit ni Napoles, iaapela sa SC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment