Friday, May 2, 2014

Trillanes hihimayin ang nilalaman ng EDCA

MAGHAHAIN ng resolusyon sa Lunes si Senador Antonio Trillanes IV upang himayin ang mga nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).


Kaugnay nito, kinontra ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Antonio Trillanes IV ang mga puna na minadali at wala raw naging transparency sa nilagdaang EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.


Ayon kay Trillanes, noon pang Agosto ng nakaraang taon sinimulan ang pag-uusap ukol sa EDCA na umabot pa ng pitong beses ang negosasyon kaya nabagalan raw siya rito.


Hindi rin totoo na binago ang kasunduan dahil binigyan pa ng briefing at regular na in-update ang mga senador dito pero iilan lang ang dumalo at ang ilan ay nagpadala lamang ng mga kinatawan.


Kaya sa Lunes ay maghahain si Trillanes ng resolusyon na naglalayong magkaroon ng executive session ang mga senador para mahimay ang mga nakapaloob sa EDCA.


The post Trillanes hihimayin ang nilalaman ng EDCA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Trillanes hihimayin ang nilalaman ng EDCA


No comments:

Post a Comment