MARIING ipinahayag ng Sandiganbayan First Division na kakatigan nila ang kahilingang makapaghain ng piyansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung patuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa ginagawang pagdinig.
Ito ang ginawang babala ni First Division chairman Justice Efren dela Cruz matapos muling hilingin ng prosekusyon na ipagpaliban ang presentation of witnesses para sa kasong plunder ni Rep. Arroyo.
Bagama’t tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon pero pinagalitan at pinagsabihan sila ni Justice DeLa Cruz na kung walang maihaharap na testigo sa gagawing pagdinig sa Miyerkules puwedeng nang maghain na nang piyansa si Mrs. Arroyo.
Ang dating pangulo kasama ang siyam na iba pa ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y paglustay sa P360 million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
The post Pagpipiyansa ni CGMA, kakatigan ng Sandiganbayan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment