DESIDIDO ngayon si Senador Miriam Defensor-Santiago na tumakbo sa pagka-presidente sa 2016 elections kung walang mapananagot sa PDAF scam.
Tugon ito ni Santiago sa inilabas na survey ng Pulse Asia na nasa ikatlong puwesto sa mga pinagpipiliang maging pangulo ng bansa.
Samantala, ipinagkibit-balikat lang ng Malacañang ang pagiging kulelat ni DILG Sec. Mar Roxas sa latest survey ng Pulse Asia kaugnay ng presidential elections sa 2016.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa naman nakapili si Pangulong Noynoy Aquino ng kanyang mamanukin sa 2016 elections.
Hindi daw prayoridad ngayon ng administrasyon ang pamumulitika dahil marami pa silang trabaho at problemang dapat resolbahin sa loob ng natitirang 762 araw ni Pangulong Aquino sa Malacañang.
Kung ngayon daw gagawin ang presidential elections, panalo si Vice President Jojo Binay na may 40 percent; pumangalawa naman si Sen. Grace Poe-Llamanzares na may 15 percent, ikatlo si Sen. Miriam Defensor-Santiago, 10 percent; ika-apat si Sen. Chiz Escudero na may 9 percent; ikalima si Sec. Roxas na may 6 percent; ika-anim si Sen. Antonio Trillanes, 6 percent at ikapito si Sen. Alan Peter Cayetano, 6 percent.
The post Kung walang mapapanagot sa PDAF scam: Sen. Santiago, tatakbong pangulo appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment