PINABORAN ni Assistant State Prosecutor Stewart Allan Mariano ang kahilingan ng aktor na si Zoren Legaspi na palawigin pa ang panahon para maisumite ang kanyang counter affidavit sa kaso.
Binigyan ng siyam na araw ang aktor o hanggang Hunyo 6 para maisumite ang kanyang counter affidavit.
Bigong dumalo sa pagdinig ng Department of Justice ang aktor kaugnay sa kanyang kinahaharap na tax evasion case.
Sa halip ay dumating naman sa pagdinig ang accountant ng aktor na si Flora Capili.
Pinayuhan din ang kampo ng aktor na sa susunod na hearing sa pagharap nito ay kailangang may kasama itong abogado.
Umaabot ng P4.45 million ang halagang hinahabol ng BIR sa aktor dahil sa hindi tamang deklarasyon ng kita nito noong 2010 at 2012.
Samantala, posible namang madagdagan pa ang kasong kinakaharap ngayon ng aktor nang aminin ng kanyang accountant na may apat na tax identification numbers ito.
Inamin din nito na bagama’t nagbabayad talaga ng buwis ang aktor ay madalas na kulang.
Hindi naman ipinasama ni Assistant State Prosecutor Stewart Allan Mariano ang mga pahayag na ito dahil sa wala itong kasamang abogado.
Mahigpit na ipinagbabawal ng National Internal Revenue Code ang pagkakaroon ng maraming TIN number sapagkat maaari itong magamit upang hindi makapagbayad ng tamang buwis.
The post Hiling ni Zoren Legaspi pinaboran ng korte appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment