Thursday, May 1, 2014

Mga bashers ni Janine Gutierrez, lalong tumitindi

EXCLUSIVELY dating simula pa nu’ng February 2014 ang pagsasalarawan ni Elmo Magalona sa relasyon nila ni Janine Gutierrez. Na-develop ang dalawa sa kanilang pagsasama sa seryeng Villa Quintana ng GMA 7.


“Inspiration ko siya, she’s a breath of fresh air, masaya siyang kasama,” pahayag ni Elmo para kay Janine.


Hindi pa rin tumitigil ang mga bashers ni Janine dahil sa pakikipagmabutihan niya kay Elmo.

Naetsapuwera na kasi ang dati niyang ka-loveteam na si Julie Anne San Jose.


Aware naman si Elmo sa nangyayari pero paano niya ito kinu-control?


““Well, ako rin naman… kapag magsalita ako ayaw ko rin mag-take ng sides because syempre supporters ko rin po ‘‘yun. But then ako, ayaw ko lang ng mga nag-away-away,”” reaksyon niya.


Wala ba siyang balak na kausapin ang mga bashers na ito dahil nawiwili at matagal na ring ginagawa?



“Syempre, nakalulungkot ‘pag may ganyan. Hindi nakikita ‘yung magagandang bagay sa ibang tao. ‘‘Yung mga alam ko lang, sinasabihan ko not directly, ha.. as a general na ayaw ko nang away. Gusto ko masaya lang tayo lahat because we’re all naman a team here.””


Paano niya kinu-comfort si Janine kasi nahu-hurt din siya?


““Si Janine naman..she’’s really strong. Alam niya ‘yung dapat gawin sa situation na ‘‘yun,”” aniya pa.


Samantala, isang pares ng Nike running shoes (limited edition) ang birthday gift ni Janine sa kanya. Naikuwento lang daw niya minsan na may matagal na siyang hinahanap na pair of running shoes at hindi niya akalaing natandaan ito ng young actress.


“Nahanap niya for me na hindi ko alam. Mahirap kasi makakuha talaga ng ganu’n na magandang design pero nakakita siya, limited edition pa and parang ngayon ko lang nakita ‘‘yung kulay na ‘‘yun,” bulalas niya sa PSR.


Noong kaaarawan mismo ni Elmo ay may Sunday All Star siya at may mall show sa SM Bacoor para sa Villa Quintana. Nag-dinner lang daw sila ng family niya noong gabing iyon and last Monday naman ay sinorpresa raw siya ng Villa Quintana family niya sa set. Nagkita rin daw sila ni Janine sa isang lugar at doon inabot ang regalo.


Kung Nike running shoes ang bigay ng kanyang rumored-girlfriend na si Janine, wala naman siyang natanggap na regalo kay Julie Anne San Jose.


““Syempre sobrang busy rin si Julie Anne. Pero nagkita kami sa SAS (Sunday All Stars), nag-greet siya sa akin,”” bulalas pa niya.


Okey rin kay Elmo kung magbalik-tambalan sila ni Julie Anne after ng Villa Quintana. Open naman daw siya kahit kanino. Hindi lang daw niya alam kung saang work..kung sa singing ba o acting.


Mas komportable ba siyang katrabaho si Janine kesa kay Julie Anne?


““Hindi ko naman puwedeng i-compare kasi magkaiba sila. Magkaiba rin ‘yung experience ko ‘‘yung time na ‘‘yun pero right now, timing rin kung gaano ako kakumportable sa sarili ko, ganoon din ‘yung time na kasama si Janine. Kasi before hindi ako ganoon kakumportable sa sarili ko. Hindi ako expressive,”” deklara pa niya na parang mas bumigay siya kay Janine.


Ano’ng masasabi niya na may nakita na effective ang tandem nila ni Janine kesa kay Julie Anne?


““Ako po, natutuwa rin na ganoon kasi galing kami sa brother, sister relationship sa past show namin. Ngayon, parang in-accept ng viewers ‘‘yung team-up namin,”” saad niya.


Naapektuhan ba ang friendship nila ni Julie Anne dahil may iba siyang ka-loveteam?


‘“’Yung ano lang parang parehong busy. ‘‘Yung time lang siguro. Parang nagkakamustahan pa rin naman once in a while,”” sey pa niya.


Hindi pa rin nila napag-uusapan ni Julie Anne na patigilin na ang mga bashers para pare-pareho na silang manahimik.


The post Mga bashers ni Janine Gutierrez, lalong tumitindi appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga bashers ni Janine Gutierrez, lalong tumitindi


No comments:

Post a Comment