Thursday, May 1, 2014

Kwela pa rin si Rufa Mae Quinto!

RUFA Mae Quinto headlined a show called Raise the Rufa at the Zirkoh in Quezon City last week. Ten pm ang showtime pero naging eleven pm hanggang sa past twelve na nga natuloy.


Nakaaaliw naman ang kanyang opening with “Roar” in her flimsy light green gown na sexy ang cleavage part. Sinundan ‘yun ng Unconditionally at ng Fireworks, pinawalan na ang gown at tanga na lang ang natirang suot. Bumawi pa sa Let it Go na pakwela naman niyang kinanta habang pilit na inaabot ang high notes. Tawa siya ng tawa in between kaya cool to the max ang kanyang performance. Better than Anne Curtis, you know that she playfully attacks her songs.


Betong followed with his pakulo and Bassilyo sang his hit. He did another battle with Delo naman na talagang klik sa audience. Sumunod naman si Moymoy Palaboy na nagbigay ng saya sa medyo antukin ng audience. Sayang at baka ‘di na ma-appreciate ng audience dahil madaling-araw na ang paglabas ni Brod Pete.


Magaling talaga s’ya. Surprise naman ang paglabas ni Marc Tupaz of Shamrock bilang kaibigan ni Peachy at umawit ng big hit niyang Alipin. Naki-sing along pa ang mga fans na alam ang nasabing kanta. Maski nakailang San Mig Light na si Marc ay pulido ang kanyang pagkanta, he, he.


Of course, expected na ang pagtawag ni Rufa Mae sa dating sweetheart ay may kilig pa ring nararamdaman ang mga baliw na fans. Medyo mataba si Erik Santos pero sulit naman sa pagkanta at marunong lumaro ng fans maski nagluluka-lukahan si Rufa Mae sa kanyang pagkanta. Kumanta pa uli si Erik at nasulit ang ticket paying audience at nagtiyagang maghintay ng show.


At almost 3:00am, natapos rin ang show at walang katapusang kuwentuhan pa rin sa labas at loob ng venue of a good show for everyone.


The post Kwela pa rin si Rufa Mae Quinto! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kwela pa rin si Rufa Mae Quinto!


No comments:

Post a Comment