WALA nang balak si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016.
Ayon kay Estrada, pinakahuli na niyang tungkulin sa gobyerno ang pagsisilbi bilang alkalde ng Maynila at posibleng bumalik na lang sa pribadong buhay matapos ang kanyang termino sa 2016.
Sinabi pa ni Erap na inihahanda na niya si Vice Mayor Isko Moreno bilang kanyang kapalit na alkalde ng lungsod.
Umalingawngaw ang balitang balak ni Erap na tumakbo sa 2016 elections kapalit ng anak na si Sen. Jinggoy Estrada na nahaharap ngayon sa kontrobersya kaugnay ng pork barrel fund scam.
The post Erap ayaw na sa 2016 elections appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment