Thursday, May 1, 2014

MAGIC SA ALOKASYON AT PALAKASAN SYSTEM SA NFA

johnny_magalona10362 SA unang arangkada pa lang ay nayanig ang buong East District Office ng NFA matapos na ibulgar natin ang nangyayaring violations at katiwalian sa National Food Authority-East District Office (NFA-EDO) na kinasasangkutan umano nitong si Mngr. Ray Villacorta.


Alam n’yo ba marami ang natuwa at mayroon ding mangilan-ngilan ang nadismaya sa kanilang nabasa.

Kung totoo man o hindi ang ‘impong’ nakarating sa atin dapat lang siguro na isa-isahing bulatlatin nina NFA Admin. Orlan Calayag at NFA-PACO Dir. Piolito Santos ang purchasing section ng EDO.


Para makita nyo, Mr. Calayag, ang katotohanan na may nangyayaring katiwalian sa NFA-EDO. Huwag na kayong magpakaang-kaang!!! Si Mgr. Villacorta ay isang public official kaya karapatan lang nating mga mamamayan na malaman kung gaano katotoo ang balitang ito.


Ang balita nga ay binabawasan daw ni manager ang regular allocation ng mga retailer para mapaboran niya ang mga may tongpats at mga malalapit sa kanya.


Ang hindi pa maganda rito, halos walang magawa raw ang ilang mga tauhan ni Villacorta kundi sundin ang kagustuhan nito. Ultimo nga ang Assistant Provincial Manager ni Villacorta ay sunud-sunuran na lamang sa kanyang mga kagustuhan.


Umiiral din sa NFA-EDO ang “palakasan system” na kung sino ang malaking maglangis o magbigay ng tongpats ang nabibigyan ng mas maraming pabor.


SUGALAN BANTAY SARADO NG MGA PULIS


MULA hapon hanggang hatinggabi ang color games, pasakla at beto-beto naman ni Kap. Felix Gutierrez ang namamayagpag sa Brgy. Aguilan, San Jose, Batangas. Ang mabigat pa nito, ‘yung iligal na pasugalan ni kapitan ay kuntodo bantay-sarado ng mobile ng San Jose Police. Anak ng putsa naman, PD Sr/Supt. Omega Fidel!!!!


***

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post MAGIC SA ALOKASYON AT PALAKASAN SYSTEM SA NFA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGIC SA ALOKASYON AT PALAKASAN SYSTEM SA NFA


No comments:

Post a Comment