ANG OXFAM ay isang humanitarian organization na nakabase sa United Kingdom.
Kamakailan ay naglabas ng resulta ang OXFAM ng isang survey na kanilang ginawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga residente ng mga lugar na nasalanta ng Yolanda.
Ayon sa survey na ito ng OXFAM, may plano na ang gobyerno na ilipat sa relocation areas ang may 200,000 residente na karamihan ay mga mangingisda at mangangalakal pero hindi raw kasama sa plano kung paano kikita ang mga ito, kung saan sila kukuha ng ikabubuhay nila, sa lugar na paglilipatan sa kanila.
Sabi ng OXFAM, delikado ang ganito dahil imbes na makatulong ay mas ibabaon daw sa kahirapan ang mga residente. Ang sabi pa ng OXFAM kung tutuusin ay mas mahalaga pa ang trabaho at kabuhayan kaysa matitirhan sa kalagayan ngayon ng mga biktima ng bagyo at lindol.
Ilang beses na natin ginawang topic sa ating kolum ang kahalagahan ng trabaho at mapapagkakitaan para sa ating mga kababayan na nasalanta ng mga natural calamities.
Minsan nga ay hindi na alintana ng mahihirap na mga Pinoy ang kaligtasan sa kanilang sarili basta lang may hanapbuhay sila.
Nag-issue ng warning ang OXFAM at sinusuportahan ko ang warning na ito.
Hindi ba nga at ilang beses na natin napatunayan na hindi magiging successful ang pag set-up ng relocation areas kung hindi kasama sa plano ang hanapbuhay na ibibigay sa evacuees?
Delikadong kakulangan ang hindi pagpaplano na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga ililipat ng tirahan.
Masasayang lang daw ang laki ng gastos sa relocation areas, sabi ng OXFAM, dahil hindi rin pipirmi ang mga tao at hahanap ng kung saan sila magkakaroon ng trabaho.
Alam naman ito ng gobyerno, baka lang kasi may ibang ahensya na sumusugal, lalo pa at madalian ang pangangailangan na mailipat sila ng matitirhan.
Pero sayang lang kung hindi naman kumpleto ang plano, masasayang ang efforts ng gobyerno at ng ililikas na mga mamamayan dahil alam natin, sa umpisa pa lang hindi na uubra ang ganitong plano kung kulang.
The post KULANG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment