Thursday, May 1, 2014

13 kadeteng nagpasipa kay Cudia sa PMA, pinakakasuhan

PINAKAKASUHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang labingtatlong kadeteng nagpasipa kay Jeff Aldrin Cudia sa Philippine Military Academy (PMA).


Ayon kay CHR chairwoman Etta Rosales, nais ng investigating team na sampahan ng kasong administratibo, kriminal at sibil ang mga naturang kadete na miyembro ng Honor Committee na humawak sa kaso ni Cudia.


Sa tingin ng CHR, hindi makatarungan ang pagsipa sa kadete dahil wala itong kasalanan at nakumpleto ang academic requirements sa akademya, pero napagtulungan lamang anila ng PMA Honor Committee.


At sa halip ay nilabag aniya ng komite at ng iba pang sangkot sa pagtanggal kay Cudia ang mismong Honor Code at secrecy of ballots.


Kinatigan nito ang pahayag ni Cudia na unang may bumoto ng not guilty sa kaso at iginiit na nagsinungaling ang komite.


Dagdag din ng kinatawan ng CHR, “Honor Committee violated Cudia’s rights to due process, non-discrimination, dignity, education, privacy and access to genuine justice.”


“Cudia must be confirmed as full-fledged PMA graduate.”


Inirekomenda na rin ng CHR kina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Emmanuel Bautista at maging sa PMA superintendent na magkaroon ng komprehensibong pagrerepaso sa lahat ng panuntunan at regulasyon ng Honor Code.


Hiniling pa ng komisyon sa Kongreso na gumawa ng batas na magpapataw ng parusa sa ostracism at diskriminasyon sa loob ng akademya para maging ganap na criminal offense.


Hinimok din nito si Pangulong Noynoy Aquino na sertipikahang ‘urgent’ ang panukala.


Pero nilinaw ni Rosales na ngayong hawak na nila ang rekomendasyon ng probe team, maglulunsad din sila ng comprehensive review para matukoy kung ano ang mga nararapat na kaso base sa naging papel ng mga sangkot sa pagkakatanggal ni Cudia sa PMA.


The post 13 kadeteng nagpasipa kay Cudia sa PMA, pinakakasuhan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



13 kadeteng nagpasipa kay Cudia sa PMA, pinakakasuhan


No comments:

Post a Comment