PATAY ang isang engineer matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang sakay ng jitney ang una sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Abril 30.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si William Velasco, 34, head engineer ng Jose Reyes Memorial Medical Center at residente ng P. Burgos St., 10th Avenue, nasabing lungsod.
Sa ulat, alas-6:20 ng gabi, sakay ng biktima sa jitney at habang binabagtas ang 10th Avenue ay dumikit ang mga suspek sakay ng motorsiklo kung saan pinagbabaril ang una ng nakaangkas.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo sa pagpatay sa engineer.
The post Engineer patay sa riding-in-tandem appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment