PATAY ang tatlong sundalo nang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Remedios, Cervantes, Ilocos Sur kaninang umaga, Mayo 1.
Ani Vice Mayor Rodolfo Gaburnoc na ang mga namatay ay pawang miyembro ng 51st Infantry Batallion na babalik na sana sa kanilang kampo.
Naniniwala si Gaburnoc na ang mga rebelde ang nagsagawa ng pananambang.
Samantala, namayani naman ang pangamba ng mga residente dahil ayon sa bise alkalde ngayon lamang nangyari ang nasabing insidente matapos ang matagal na ring panahon.
Iniimbestigahan pa ang nasabing ambush at inaalam din ang mga pangalan ng mga namatay na mga sundalo.
The post 3 sundalo lagas sa Ilocos Sur ambush appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment