KAHAPON ay ikinasal sina Kim Jones at Jericho Rosales sa isang private beach sa Boracay. Christian rites ito at pamilya lamang nila ang imbitado at ilang malalapit na kaibigan.
“Very personal” and “unscripted” ang diskripsiyon ng dalawa sa kanilang kasal. Pero dahil busy ang aktor kaya mauudlot ang kanilang pulut-gata dahil babalik agad ang aktor sa taping ng The Legal Wife. Saka na raw nila itutuloy ang honeymoon pagkatapos niya sa serye.
Nagi-guilty nga staff ng palabas na ito dahil naudlot ang kasiyahan ng dalawa sa pag-iisang dibdib ng mga ito. Kaya sa pamamagitan ni Angel Locsin ay ipinaabot nila ang paghingi ng paumanhin sa bagong mag-asawa.
“Si Echo, grabe magtrabaho ‘yan, iba talaga. Actually nahihiya kami sa kanya, wala siyang honeymoon. After ng wedding, babalik siya agad sa taping kasi kailangan namin gumawa ng eksena para may mai-ere kami. ‘Yung wife din niya si Kim, napaka-understanding.
“Echo and Kim, congratulations sa inyo and sana masulit ninyo ang pagsasama ninyo. Ang cute ninyo together…sobra! Kita talaga ang happiness ni Echo, ‘yung pagiging proud niya kay Kim,” ani Angel.
***
CLAUDINE UMISKOR DIN KAY RAYMART
NABALEWALA ang kasong qualified theft ni Claudine Barretto laban sa dalawang dating kasambahay nila dahil ang mga mamahaling gamit na umano’y kinuha ng mga ito ay nasa pag-iingat pala ni Raymart.
Pinabayaan nitong magtuloy-tuloy ang kaso dahil plano pala nitong tumestigo pabor sa dalawa para masupla ang kanyang estranged wife, at para rin makasuhan ito ng robbery at pagpiyansahin ng 100K.
Hindi ba nakatatawa? Ang aktor ang bumitbit ng mga nawawalang mga gamit pero tumahimik lamang ito at pinabayaan si Claudine na magmukhang tanga sa korte. Anong klaseng tatay ito sa mga anak nila ni Clau? Pinahiya at idinikdik pa ng ama nila ang kanilang nanay gayong ito naman pala ang may kasalanan?
Anyway, bumawi naman ang aktres sa una dahil ang kasong two counts of physical abuse na may kaugnayan sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act ay denisisyonan ng Marikina Prosecutor’s Office na maiakyat sa korte dahil ayon sa kanilang pagsusuri sa mga ebidensya ito ay may “probable cause” upang kasuhan ang Kapuso aktor. Nagpiyansa ito ng 4K at nagsampa ng motion for consideration.
***
BALIKBAYANS ANTOINETTE AND TOM TAUS GUEST IN SARAP DIVA
MORE than a decade since leaving the Philippines for a private life in the US, showbiz siblings Antoinette and Tom Taus are back in the country as they visit the home of Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid this Saturday, May 3 in Sarap Diva.
The balikbayans will drop by the home of Cooking Diva Regine to look back at their showbiz heydays, their independent life abroad and now their new plans in the country.
Former teen star Antoinette will show her culinary skills and Kapampangan roots as she prepares an authentic bulanglang dish – the Cabalen’s version of Sinigang in Guava Broth.
Younger brother and former child star Tom will turn Regine’s living room into a party scene when he demonstrates his newest passion and career as a club DJ in LA.
Regine and her extraordinary kasambahay Inday (Teri) will also share never-before-seen scenes from their recent adventure in Davao City.
Sarap Diva airs this Saturday morning, 9:40AM only on GMA.
***
CEDRIC LEE AT ZIMMER RAZ DELIKADONG MACHURVA SA KULUNGAN
AKALA namin biru-biruan lamang ang sabi-sabing nakahanda na ang ang mga preso sa Taguig city jail para sa engrandeng pagsalubong nila kay Cedric Lee at Zimmer Raz hindi para i-welcome at gawing kakosa, kundi para churvahin.
May mga text messages kaming natanggap mula sa aming readers na ang ilan ay may kamag-anak na nakakulong sa nasabing piitan na babawian daw ng mga presong ito si Cedric dahil sa kaangasan nito at ang pagtalo sa mga chicks at pang-aapi sa ibang tao.
Hindi kaya umimpis ang maskuladong katawan ni Zimmer kapag naswak na ito sa rehas na bakal at makatikim ng romansa-brutal? At ito namang si Cedric ay magpabili ng isang banig ng mefenamic acid at anti-biotic dahil sa sasapitin nitong kakaibang karanasan? Hehehe!
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Angel Locsin nag-sorry sa legal wife ni Jericho appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment