NAGBUNYI ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) makaraang maibalik ng US Federal Aviation Administration (US FAA) sa Category 1 ang aviation industry ng Pilipinas.
Kaugnay nito, hinikayat ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino ang CAAP na ipagpatuloy ang tama at magandang ginagawa sa aviation industry sa bansa.
Ani PNoy, labis ang kanyang paghanga at pasasalamat sa CAAP dahil nagawa ang napakahirap na misyon sa madaling panahon.
Aniya pa, makaaasa ang CAAP ng sapat na suporta para maipatupad ang iba pang reporma sa aviation system ng bansa.
Matatandaang kinagalak ng Malacañang ang anunsyo ng Federal Aviation Administration ng US Department of Transportation na balik na sa category 1 ang aviation industry ng Pilipinas.
Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dahil sa upgrade ng Pilipinas sa Category 1 status ay inaasahan nilang mas sisigla ang industriya ng turismo at ekonomiya ng bansa.
Pinapurihan naman ng Malacañang ang mga nagawang hakbang ng DOTC at CAAP upang maibalik sa Caterory 1 status ang Pilipinas na umano’y hindi ginawa ng nakaraang administrasyon.
Kasunod ng International Aviation Safety Assessment (IASA) Category 1 rating, maaari nang magdagdag-biyahe at serbisyo ang flag carriers ng Pilipinas patungong Amerika.
Huling nakapasok sa Category 1 ang Pilipinas noong January 2008 pero ibinaba sa Category 2 dahil sa kakulangan ng batas upang tutukan ang air carriers na sumunod sa international standard.
The post Category 1 status ng aviation industry, naibalik sa Pinas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment