PINALARGA ng Sandiganbayan kaninang umaga, Mayo 2 si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magpatingin sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Sinabi ng abogado ni Arroyo na si lawyer Modesto Ticman Jr. na ang kanilang kahilingan ay pinagbigyan ng graft court’s First Division para isailalim ang kanyang kliyente sa medical procedure matapos mahirapang umihi.
“Initially ang request namin sana i-conduct ang testing para bukas, Sabado. Pero napag-alaman namin sa administration ng SLMC na gagawin ang testing ay sarado ang Sabado,” pahayag ni Ticman.
Pinayagan aniya ng korte si Mrs. Arroyo na magpatingin sa SLMC sa Quezon City bago magtanghali hanggang alas-3 p.m.
Ang ibang gastusin ay babalikatin ng dating pangulo, dagdag pa nito.
Ibinunyag din ni Ticman na mayroong mga pagkakataon na may dugo ang ihi ni Mrs. Arroyo.
Bagama’t hindi naman aniya ito life-threatening, “pwede itong mag-progress into a more serious ailment” if it was left untreated.
Tatagal lamang aniya ng halos isang oras ang proseso at hindi na kailangan pang maratay ang kanyang kliyente.
The post CGMA pinayagang magpa-check-up sa St. Luke’s Hospital appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment