Thursday, May 1, 2014

4 katao brutal na pinatay sa Cebu

BRUTAL ang pagkakapatay sa apat katao sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu sa loob lang ng isang araw.


Kagabi ay natagpuan ang bangkay ng isang pedicab driver sa Sitio Pajo, Bgy. Day-as, Cordova, Cebu.


Kinilala ang biktima na si Romeo Luba, 32, tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pumapasada.


Lumalabas sa imbestigasyon na namamasada ang biktima nang harangin ng tatlong suspek saka pinagbabaril bago tumakas.


Samantala, sa Toledo, Cebu naman ay pinatay din habang nagpapahinga ang dalawang trabahador ng isang power plant sa loob ng Bato Cemetery.


Nabatid na biglang may mga armadong lalaki ang nagpaulan ng bala kaya dead-on-the spot sina Julius Benitez at Simbrod Supremonte.


Sa Ronda, Cebu, patay naman ang isang tricycle driver na si Joselito Condiman habang namamasada nang pagbabarilin ng suspek na si Tito Tabada.


Nabatid na personal grudge ang motibo sa pamamaril.


Sa naturang magkakahiwalay na insidente, wala pang naaarestong mga posibleng suspek.


The post 4 katao brutal na pinatay sa Cebu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 katao brutal na pinatay sa Cebu


No comments:

Post a Comment