TOPNOTCHER ang Pilipinas sa kawalan ng trabaho sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 2013.
Ito ang napag-alaman kahapon ng Remate News Central.
Ayon sa International Labor Organization (ILO), 7.3% ang unemployment rate ng Pilipinas. Pumangalawa naman ang Indonesia na may 6.0% at pumangatlo ang Brunei na 3.7% lamang ang walang trabaho. Pinakamababa naman ang jobless rate sa Cambodia na nasa 0.3%.
Ang kumpletong unemployment rate ng mga bansang kasapi ng ASEAN noong 2013: Cambodia – 0.3; Thailand – 0.4; Laos – 1.4; Vietnam – 1.9; Singapore – 3.1; Malaysia – 3.2; Myanmar – 3.5; Brunei – 3.7; Indonesia – 6.0; Philippines – 7.3.
Katwiran naman ng gobyerno, lumalago ang ekonomiya ng bansa ngunit hindi pa ito nararamdaman.
Ipinagmalaki pa ni PNoy na unti-unti nang nababawasan ang kahirapan sa bansa.
Mas marami umanong oportunidad para makapagtrabaho ang mga Pinoy.
Kinuwestyon naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang resulta ng pag-aaral dahil magkakaiba anila ang standard at depinisyon ng unemployment sa bawat bansa.
Lumitaw din umano sa ILO report na 7.5% ang unemployment rate sa Amerika at Great Britain samantalang pinakamalala ang sa Greece at Spain na kapwa pumalo sa 27.6%.
The post Pinas topnotcher sa ASEAN Unemployment Rating appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment