IMINUNGKAHI ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga bagong graduate na magsanay muna sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bago mag-apply ng trabaho.
Ani Baldoz, mas mabuting sumabak muna sa training ang mga ito upang maging handa sa mga papasuking hanapbuhay.
Pinawi rin ni Baldoz ang pangamba ng mga bagong graduate na baka hindi sila makahanap ng trabaho dahil karamihan sa mga kompanya ay naghahanap ng mga aplikante na sapat na ang karanasan.
Ayon kay Baldoz, dapat magtiyaga ang mga ito sa pagsasanay upang umakma ang kanilang kaalaman sa pinapasukan nilang trabaho.
The post Mga bagong graduate mag-training muna — DOLE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment