IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang apela ni Globe Asiatique founder Delfin Lee na magdaos ng oral arguments hinggil sa kanyang kaso.
Sa dalawang pahinang resolusyon ng SC en banc, ibinasura nito ang petisyon ni Lee na magdaos ng oral arguments dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Ang nasabing resolusyon ay pirmado ni Atty. Enriqueta E. Vidal, ang SC en banc Clerk of Court.
Partikular na kinuwestyon ni Lee ay ang pag-aresto sa kanya ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Naniniwala ang negosyante na hindi siya maaaring arestuhin ng PNP dahil sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpapawalang-bisa ng arrest warrant na inilabas ng mababang hukuman.
Pero sa panig ng Department of Justice (DoJ) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), nagpasaklolo sila sa SC at sapat iyon para manatili ang bisa ng warrant of arrest laban kay Lee.
Si Lee ay nahaharap sa kasong syndicated estafa kaugnay ng maanomalyang P6.6 bilyong loan na nakuha niya mula sa Pag-IBIG Fund.
The post Apela ni Delfin Lee na oral arguments, ibinasura appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment