TEPOK ang isang manggagawa ng Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic, Zambales nang masabugan ng ginagamit niyang acetylene tank.
Ayon sa mga manggagawa sa Hanjin, si Randy Dapos ay nakatalaga sa Erection Part 2 keep up section ng kompanya.
Nabatid na habang nagtatrabaho ang biktima, biglang sumabog ang tangke na sanhi ng pagkasunog ng katawan ni Dapos na naitakbo pa sa Baypoint Hospital subalit binawian din ng buhay.
Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Hanjin sa nasabing insidente.
The post Welder nasabugan ng acetylene tank, tepok appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment