Friday, May 2, 2014

Asset at net worth ni PNoy sa taong 2013 tumaas sa P1.3M

TUMAAS ng P1.3 million ang asset at net worth ni Pangulong Benigno Aquino III para sa taong 2013.


Sa isang panayam matapos ang paglulunsad ng Fabrication Laboratory (FABLAB) sa Bohol Island State University sa Tagbilaran City, Bohol, inamin ng Chief Executive na tumaas ng P1.3m ang kanyang asset at networth kung saan ay nakasaad naman sa isinumite niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa Ombudsman.


Sinabi ng pangulo na tumaas ng P1.3m ang kanyang asset at net worth dahil sa interest income.


“Na cash on-hand earns interest at that interest…Kasi parang iyong expenses iyong…I tried iyong…talk to my sisters, for instance, sinubukan ko na ‘di ba… Number one, nag-divest ako from all the other interest. Tapos to a large degree parang sa expenses iyong kunyari iyong damit ko, iyong mga ganu’n, ano. Sila ang nagha-handle to be liquidated with them,” paliwanag ng Pangulong Aquino sabay sabing “Parang babayaran ko sila by the time that I recover full control of the assets that I have. So inabonohan muna nila to a large degree. So I expect my last SALN to have a mark reduction.”


Taong 2012, ang net worth ng Chief Executive ay P65.13 million.


The post Asset at net worth ni PNoy sa taong 2013 tumaas sa P1.3M appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Asset at net worth ni PNoy sa taong 2013 tumaas sa P1.3M


No comments:

Post a Comment