MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa panibagong proyekto niya sa GMA Network kung saan mabait ang kanyang role sa primetime series na Niño.
Gagampanan ni Katrina ang role ni Hannah, ang mapagmahal na ina ni Niño na gagampanan ni Miguel Tanfelix. Excited siya na muling magtrabaho dahil malayung-malayo ito sa mga naging role niya sa mga nakaraang shows bilang kontrabida.
“Nakaka-excite kasi iba naman. Nabigyan ulit ako ng chance kasi panibagong character na naman ito. Sana mabigyan ko ng justice ‘yung role ko sa Niño para makita ng mga tao na kaya kong gumawa ng iba, na hindi lahat ng roles ay kontrabida ako. Medyo sanay na ako na lagi na lang maldita. Sa sobrang nasanay na ako parang nanawa na ako,” pahayag ni Katrina sa pictorial ng Niño.
Ayon kay Katrina, noong 2008 unang nabigyan ng hindi kontrabida na role sa hit na Sine Novela na Magdusa Ka. Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa GMA dahil ipinagkatiwala sa kanya ang role na ito.
“Thankful ako nu’ng natanggap ko ito. Sabi ko kay Direk Maryo, alam niyo eto po ‘yung gusto kong role. Wow, answered prayer. Sabi ko, oo nga po Direk. Kaya kinakabahan ako na nape-pressure ako. Natutuwa ako kasi eto ang gusto kong role.”
Natutuwa rin si Katrina dahil muli niyang makakatrabaho ang multi-award winning director na si Maryo J. Delos Reyes. Ang Niño ang panglimang proyekto ni Katrina kasama si Direk Maryo matapos ang mga programang Magdusa Ka (2008), Rosalinda (2009), Munting Heredera (2011), at Magkano Ba Ang Pag-ibig? (2013).
Inamin ni Katrina na isang pribilehiyo ang muling makasama si Direk Maryo dahil very professional ito on and off screen. Marami siyang natutunan sa veteran director lalo na ang pagkakaroon ng good work ethics.
Hindi mawawala ‘yung takot kay Direk Maryo every take, kahit sabihin mo na okay kami ni Direk pero pagdating ng blocking, professional talaga siya. Lahat pinapansin niya. Kahit sa totoong buhay, sinasabihan din niya ako. Kaya masaya ako.
Bukod dito, excited din si Katrina na makatrabaho sa unang pagkakataon ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa Niño, “Kasama ko rito si Tom Rodriguez. First time ko siyang makakatrabaho. Nakaka-excite na makatrabaho siya. Nanonood ako ng My Husband’s Lover. Fan ako nu’ng show niya.”
Gagampanan ni Tom ang role ni Jonathan, ang mapag-arugang ama ni Niño at asawa ni Hannah.
Samantala, sinigurado naman ni Katrina na magugustuhan ng mga manonood ang Niño dahil sa inspiring story nito para sa buong pamilya at ang mga mabubuting asal na maituturo nito sa mga bata, “Maganda ‘yung story. ‘Yung show kasi is giving hope sa mga tao. May darating sa ating problem, pero may darating ding solusyon,” pagtatapos niya.
The post Katrina Halili excited maging mabait sa bagong project appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment