Thursday, May 1, 2014

Sinibak na Labor officers sa Kuwait balik-serbisyo

BALIK-SERBISYO na ang sinibak na mga Labor officer sa Kuwait makaraang masangkot sa tinaguriang sex for flight scheme.


Ayon sa report, muling ni-renew ng pamahalaan ang mga kontrata nina Anti-Trafficking Task Force Case Officers Joselito Atienza, Omar Khalil at Saleh Casley Watamama.


Ipinahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na minabuti nilang ibalik sa serbisyo ang tatlo upang maging available sa sandaling kailanganin sa imbestigasyon.


Gayunman, sinabi ni Baldoz na tali ang kanilang kamay kung sakaling kusang magbitiw ang tatlo dahil personal na aniya nilang desisyon ito.


The post Sinibak na Labor officers sa Kuwait balik-serbisyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sinibak na Labor officers sa Kuwait balik-serbisyo


No comments:

Post a Comment