IGIGIIT sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga mangagawa sa pamahalaan mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa Pangulo.
Batay sa Senate Bill No. 1689 o tatawaging Salary Standardization Law ni Sen. Antonio Trillanes IV, sinabi ng senador na kabilang sa layunin na kanyang panukala ay upang maiwasan na ang korapsyon.
Naniniwala ang senador na kung may sapat na sahod ang empleyado at opisyal ng pamahalaan ay hindi na ito masasangkot pa sa katiwalian.
Sa nilalaman ng panukala, ang Job Grade 1 ay magiging Php16,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php9,000; at ang highest government rank na Pangulo ay magiging Php500,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php120,000.
Kabilang din sa makikinabang ang mga pulis, sundalo at mga guro.
Inihain na na rin sa Kamara ang panukalang batas na layong doblehin ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kina Magdalo Partylist Representatives Francisco Ashley Acedillo at Gary Alejano, kapwa may-akda ng naturang panukala, dapat nang itaas ang sahod ng mga teacher lalo’t itinuturing ang mga ito na “most underpaid at overworked professionals.”
The post Wage hike para sa gov’t workers, igigiit ng Senado appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment