GISING na at nakangiti pa ang “Skywalker” ng PBA na si Samboy Lim makaraan dalawang buwang pagka-comatose.
Una rito, iniuwi na ang PBA legend sa kanilang bahay noong Enero 14.
Ayon sa dating asawa ni Samboy na si Darlene “Lenlen” Berberabe, bagama’t hindi pa nakapagsasalita ang PBA star ay nakakangiti na umano ito lalo na noong sabihing nakapasa sa tatlong examination sa school ang kanyang anak.
Umaasa ang pamilya na tuluyan nang bubuti ang kalagayan ni Samboy na sumasailalim pa rin sa araw-araw na physical therapy program.
Maalalang noong Nobyembre 28 ay isinugod sa pagamutan ang basketbolista matapos mawalan ng malay sa kalagitnaan ng laro kasama ang mga dating basketbolista. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment