NAG-EYEBALL ang dalawang higante sa mundo ng boksing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Sa halftime ng laro ng Miami Heat at Milwaukee Bucks, nilapitan ni Mayweather si Pacquiao at nagkamayan at sandaling nag-usap at nagpalitan pa ng cellphone number.
“He gave his number to me and said we will communicate with each other,” pahayag ni Pacman sa panayam ng Associated Press.
Ito rin aniya ang unang beses na nakita sa personal ni Pacman ang Amerikanong boksingerong itinatapat sa kanya.
Sa pahayag sa ESPN.com, sinabi ni Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, na nandoon din nang magkita ang dalawa, na hindi direkta ukol sa negosasyon sa nilulutong duwelo ang pinag-usapan ng boxing champs.
“It was a private discussion. They had a private, friendly discussion and that’s all I really want to say.”
“Purely a coincidence,” lamang din aniya ang pagkikita ng dalawa sa laro.
Regular na audience si Mayweather sa mga laro ng Heat habang ang Pinoy boxer-basketball coach naman ay nasa Miami dahil umupo itong hurado sa katatapos lamang na Miss Universe. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment