NAKAGUGULAT ang balita namin ngayon. Aba, pagkatapos na magsama sina Bea Binene at Derrick Monasterio sa Celebrity Bluff, kung saan tinanghal silang winner at nakapag-uwi sila ng premyong P75,000 cash, ipinalabas ito last Saturday pero a week ago pa ito naitaping, ngayon ay balitang madalas daw magkasama ngayon sina Bea at Derrick sa paggi-gym. Wala kayang magalit sa dalawa? Paano si Jake Vargas at ang napapabalitang ka-on na naman ni Derrick na non-showbiz na estudyante sa Mirriam?
Desidido na ngayon ang dalawa na magpaganda ng katawan. Si Bea, gustong maging sexy at may beautiful figure na hahangaan sa kanya. Si Derrick naman ay ginu-groom daw ng Artist Center ng GMA 7 bilang another Aljur Abrenica. Bale ito ang susunod sa yapak ni Aljur na may sexy body sa young male actor ng GMA 7.
Ang dalaga naman ay nagpapaseksi rin dahil may gagawin daw commercial na kailangan niyang magpakita ng kaseksihan. Magsusuot daw ng swimwear ito. Kailangan may sexy figure siyang ipakikita. Aalisin na niya ang kanyang baby fats, tutal turning 18 na siya ngayong 2015.
***
Masaya ngayon ang character actress na si Vangie Labalan dahil ang kanyang favorite ballroom dancing partner na si Starsky Dulalas ay lalabas na rin sa pelikula ni Nora Aunor na Whistle Blower.
Natutuwa si Vangie na napapansin na ng pelikula si Starsky. Kahit maliit na role lang, masaya na si Vangie. Hilig din ni Starsky ang pag-arte.
Bukod sa pagiging ballroom dancer, isang businessman ang partner ni Vangie. May mina-manage na family business ang binata, ang Davao’s Best. Si Vangie rin ang kanilang endorser. Makikita ang puwesto ng negosyo nila sa iba’t ibang panig ng bansa. Minina-market nila ang sikat na mga produkto ng Davao.
Samantala, masaya ang magaling na character actress sa takbo ng kanyang career ngayon. Hindi lang siya pang-teleserye, aba, kasama pa siya sa indie film na ipalalabas sa mga SM Mall, ang Redbook. Kasama niya sa top billing sina Ynna Asistio at Jan Manuel ng Bubble Gang. ON THE SET/NOEL ASINAS
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment