DADALHIN na ngayong araw sa Maynila ang bangkay ng higit 40 PNP-SAF commandos na napatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay PNP Deputy Spokesman, Sr. Supt. Robert Po, bibigyan ng full military honors ang mga namatay na SAF paglapag sa Villamor Airbase.
Sasalubungin din ang mga ito ng mga opisyal ng pamahalaan.
Dalawang araw naman silang ibuburol sa Camp Bagong Diwa. Inaayos na ang mga bulaklak at markado na rin ang paglalagyan ng kanilang mga kabaong.
Miyerkules nang bigyan ng 21-gun salute habang inililibing si PO3 Jedz-in Asjali sa Zamboanga City.
Iniuwi na rin sa Zamboanga del Sur ang labi ni PO3 Amman Esmula. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment