Tuesday, January 27, 2015

600 pamilya, nagtago sa labanan sa Mamasapano – NDRRMC

HUMIGIT kumulang sa 600 pamilya ang nagsilikas sa Mamasapano, Maguindanao nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng PNP-Special Action Force (SAF), BIFF at MILF nitong nakaraang Linggo at patuloy na nananatili sa ilang evacuation centers sa iba’t ibang barangays.


Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 563 pamilya ang mga nagsilikas at pansamantalang tumutuloy sa mga itinalagang evacuation centers.


Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama, mayroong 66 na pamilya ng Bgy. Tukanalipao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.


Siniguro ni Pama na tinutulungan na ngayon ng PDRRMO at lokal na pamahalaan ang mga nagsilikas na residente.


Hindi naman masabi ni Pama kung kailan pwedeng magsibalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga evacuee dahil nakadepende ito sa security situation sa lugar.


Giit ni Pama, ang local government ang magsasabi kung kailan maaaring makauwi ang mga apektadong residente batay na rin sa rekomendasyon ng mga awtoridad na nagsasagawa ng security assessment. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



600 pamilya, nagtago sa labanan sa Mamasapano – NDRRMC


No comments:

Post a Comment