Sunday, November 30, 2014

Binata tigok sa cara y cruz

PATAY ang isang binata matapos barilin ng kaaway habang nagka-cara y cruz sa Caloocan City, Lunes ng madaling-araw, Disyembre 1.


Namatay habang ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Michael Torres, 27, ng Julian Felipe ng lungsod.


Pinaghahanap naman ng mga pulis ang lalaking suspek na nakilala lang sa alyas na Angie.


Sa ulat, alas-2:05 ng madaling-araw, kasugal ng biktima ang ilang kaibigan malapit sa kanilang bahay nang dumating ang suspek sakay ng tricycle at kinompronta ang una.


Nagtalo ang suspek at ang biktima dahilan upang bunutin ng suspek ang dalang baril saka pinutukan ang huli.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa CMC ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagmulan ng pamamaril. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Binata tigok sa cara y cruz


Bagong PNR station bubuksan sa Laguna

BUBUKSAN na sa publiko bukas ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang bagong station ng Philippine National Railway (PNR) sa Calamba, Laguna para lalong mabigyan ng serbisyo ang maraming mananakay papunta at pauwi sa Metro Manila.


Sinabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, ang nasabing bagong serbisyo ay malaking tulong lalo na sa mga residente doon dahil sa maiibsan ang trapiko sa mga uuwi at pupunta sa Manila ganoon din na mapabibilis ang pagbiyahe ng mga residente doon.


Ang 56 kilometro na haba ng tren ay magbibigay ng serbisyo sa mahigit na 5,000 pasahero araw-araw sa mahigit na ilang daang libo ang nakikinabang sa serbisyo ng PNR. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong PNR station bubuksan sa Laguna


LPA sa silangan ng Phl, bagyo na

NAGING bagong bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA) na una nang iniulat noong nakaraang linggo ng Weather Center.


Ayon kay PAGASA forecaster Aldzar Aurelio, kanina lamang ay itinaas na ito sa kategorya bilang tropical depression makaraang umabot na sa 45 kph ang taglay na lakas ng hangin.


Sinasabing mabilis ang naging development nito kaninang madaling-araw habang nasa dagat.


Huli itong namataan sa layong 2,000 sa timog-silangan ng Mindanao.


Kung papasok sa teritoryo ng Pilipinas, bibigyan ito ng local name na “Ruby.”


Kung magpapatuloy ang mabilis na paglakas nito, hindi malayong maging isa na itong malakas na bagyo kapag pumasok sa PAR.


Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang Visayas at Mindanao habang ang Luzon naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin dahil sa umiiral na amihan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA sa silangan ng Phl, bagyo na


4th OFW and Family Summit, aarangkada sa Huwebes

AARANGKADA na ang ika-apat na Overseas Filipino Worker (OFW) and Family Summit sa Huwebes, Disyembre 4, na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.


Ang summit na may temang “Negosyo sa Agrikultura para sa Ikauunlad ng Bansa at Pamilya” ay pangungunahan ni Senadora Cynthia Villar at Go-Negosyo.


Libre ang entrance sa 4th OFW and Family Summit na isasagawa mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Hinihikayat ni Villar ang mga nagnanais lumahok sa summit na magpatala sa online sa OFWsummit2014.villarsipag.org. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4th OFW and Family Summit, aarangkada sa Huwebes


Bangkay ng tanod, lumutang sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang 50-anyos na volunteer tanod na natagpuang nakalutang sa dagat at may tama ng bala sa kaliwang balikat sa Tondo, Maynila.


Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Samuel Barnobal, volunteer tanod ng Bgy. 105 at residente ng Sitio Damayan, Tondo, Maynila.


Sa report ni PO2 Mario Asilo ng MPD-homicide section, dakong 3:00 ng hapon nang natagpuang nakalutang ang patay na katawan ng biktima sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, Bgy. 105, Tondo.


Nauna rito, napansin ng ilang residente sa lugar ang nakalutang na katawan ng biktima dahilan upang iahon ito. Kinilala naman ang biktima ng kanyang bayaw na si Edgar Morallos.


Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima dakong 10:00 ng gabi noong November 29 habang naka-duty ito bilang volunteert tanod at naglalakad sa Aroma outpost ng kanilang barangay.


Nang iahon ang katawan ng biktima ay nakasuot ito ng itim na maong pants, walang pang-itaas at naka-paa.


Sa pagsusuri ng pulisya, may isang tama ito ng bala sa kanang balikat habang inaalam na ang motibo sa pagpatay sa biktima.


Kasalukuyang inilagak sa St. Rich Funeral ang naturang bangkay para sa safekeeping at awtopsiya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng tanod, lumutang sa Maynila


WBC, suportado ang Pacquiao-Mayweather fight

NAKASUPORTA ang World Boxing Council (WBC) sakaling matuloy ang bakbakan nina ring icon Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.


Nakahanda umano ang WBC na i-sanction ang laban at hikayatin ang kampo ng dalawang boksingero na umpisahan na ang negosasyon para sa gagawing mega fight.


Naniniwala ang WBC na matutuloy ang laban ng dalawang boksingero sa susunod na taon.


Maalalang muling nag-post ng video sa twitter si Mayweather noong bumagsak si Pacman sa ring at may background music pang “Another one bites the dust” ng bandang Queen.


Hamon naman ng Pambansang kamao, harapin na lang siya ng American undefeated boxer sa loob ng ring. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



WBC, suportado ang Pacquiao-Mayweather fight


2015 bilang ‘Year of the Poor’, idineklara ng CBCP

IDINEKLARA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang “Year of the Poor” pagpasok ng 2015.


Kasabay nito, kinondena ng simbahan ang kabiguan ng administrasyong Aquino na supilin ang katiwalian sa bansa.


Sa kanilang maagang mensahe sa pagpasok ng taon, idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang “Year of the Poor.”


Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dapat lang kumilos ang pamahalaan laban sa graft and corruption dahil ito ang lalong nagpapalubog sa Pilipinas.


Giit ng obispo, nakakalungkot isipin na pinipigil ng katiwalian ang pagsisikap ng gobyerno na maihatid sa publiko ang sapat na serbisyo sa edukasyon, kalusugan, at iba pang ayuda para sa ating mga kababayan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2015 bilang ‘Year of the Poor’, idineklara ng CBCP


LPA, papasok ng PAR sa Biyernes

POSIBLENG pumasok sa bansa ang isang bagong bagyo bago matapos ang linggo, ayon sa ulat kaninang umaga (Disyembre 1) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Ayon sa PAGASA, isa pa lang itong low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), pero posibleng lumakas ito at maging ganap na bagyo sa Miyerkules.


Tinatayang papasok naman ito ng PAR sa Biyernes saka tatawaging bagyong “Ruby,” ayon kay Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA.


Base sa forecast track ng Metra Weather System ng News5, posibleng mag-landfall sa Southern Leyte ang bagyo sa darating na Lunes, Disyembre 8.


Pero ayon kay Javier, masyado pang malayo sa bansa ang nasabing bagyo kaya posible rin itong lumihis pa-hilaga kapag humina ang amihan sa mga susunod na araw.


Pinabulaanan din ng PAGASA ang isang kumakalat na text message na nagsasabing may bagyong singlakas ng Yolanda na tatama sa bansa Miyerkules.


“Exaggerated ‘yan. Maliit pa lang ang sirkulasyon [ng hangin ng namumuong bagyo]… saka hindi pa ito papasok sa PAR sa Wednesday,” ani Javier sa isang telephone interview.


Samantala, makararanas ng mga pag-ulan ngayong Lunes ang malaking bahagi ng bansa, lalo na ang mga probinsya sa silangan, dahil sa easterly winds o maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA, papasok ng PAR sa Biyernes


Senate hearing sa EDCA, sisimulan na ngayon

DIRINGGIN na ngayong araw ng senado ang pagdinig sa kontrobersyal na kasunduan ng Amerika at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).


Maalala na binaha ng pagkontra ang naturang kasunduan kabilang sina dating senador Rene Saguisag at mismong ang Chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs na mangangasiwa sa pagdinig na si Senador Miriam Defensor-Santiago.


Katwiran ng mga nagpetisyon kontra EDCA, dapat daw na dumaan ito sa ratipikasyon ng Senado dahil hindi lamang ito ordinaryong kasunduan.


Nilalabag umano ng kasunduan ang konstitusyon dahil hinahayaan nitong gamitin ng amerika ang mga military facilities ng Pilipinas ng walang bayad.


Kaugnay nito, imbitado lahat ng partido mula sa mga nagsulong ng EDCA at mga kumontra.


Ayon kay Senadora Santiago, nais alamin ng kanyang komite kung kailangan ba, may benipisyo ba, o praktikal ba ang EDCA. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Senate hearing sa EDCA, sisimulan na ngayon


Banta ni ER Ejercito, wa-epek kau PNoy

HANDANG harapin anumang oras ang anomang kasong isasampa ni disqualified Laguna Gov. ER Ejercito laban sa Pangulong Noynoy Aquino.


Una ng inihayag ni Ejercito sa isang pagtitipon ng movie industry na hangad niyang makitang nakakulong si Aquino pagbaba nito sa puwesto sa 2016.


Labis na umanong malalim ang kasalanan ng mga Aquino sa mga Ejercito dahil sa aniya’y selective justice at ang mga taga-Liberal Party (LP) ay ‘untouchable’ habang silang taga-oposisyon ang pinupuntirya.


Sinabi naman ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang Pangulong Aquino kasama ang ibang nasa gobyerno ay maituturing na accountable officers at handang managot kung may paglabag sa batas.


Ayon kay Coloma, kung may akusasyon laban sa Pangulong Aquino, dapat ihain ang kaso para may pagkakataon na mapakinggan ang magkabilang panig. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Banta ni ER Ejercito, wa-epek kau PNoy


80 bahay nasunog sa QC, 120 pamilya apektado

TINATAYANG aabot sa 120 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang 80 bahay sa dalawang barangay sa Araneta Ave., Quezon City.


Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Milagros Pabilangan, 70, sa Bgy. Manresa.


Ayon sa isang kapitbahay na si Luz Ambal, narinig niyang nagkakagulo sa bahay ni Pabilangan pero hindi ito pinansin dahil sanay na silang may nag-aaway doon. Pero bigla silang nakarinig ng sigaw na “aswang” sabay pagliyab ng bahay.


Binanggit naman ng isa pang kapitbahay na si Gemma Ugabang na posibleng nawala sa tamang pag-iisip ang matanda dahil sa utang. Naglaro umano ito ng apoy kaya nagkasunog.


Kumalat ang apoy at nadamay ang ilang bahay na sakop ng Bgy. Masambong.


Ayon kay Chief Inspector Aristotle Banyaga ng QC Fire Department Operations, tatlong senior citizens ang naiulat na nawawala, pero natagpuan ding ligtas ang mga ito.


Si Pabilangan ay nagtamo ng ilang sugat sa kamay at braso.


Alas-4:55 kaninang madaling-araw nagsimula ang sunog at umabot sa ika-limang alarma bago naapula alas-6:55 ng umaga. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



80 bahay nasunog sa QC, 120 pamilya apektado


Kakayahan ng Pagasa, kulang – COA

HINDI sapat ang kakayahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makipagsabayan sa ibang international weather agencies para sa pagtaya ng mga dumarating na sama ng panahon.


Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Commission of Audit (COA), kasunod ng maraming kwestyon sa kapasidad ng weather bureau.


Lumilitaw na hindi natapos ang P425-million PAGASA modernization project na kukunan sana ng pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP).


Dahil dito, hindi umano espesipikong impormasyon ang nakukuha ng state weather bureau na siyang naipapamahagi sa media at publiko.


Nauna nang inatasan ng COA ang PAGASA na ibalik sa kaban ng bayan ang hindi nagamit na P1.8-million.


Sinasabing mahigit isang dekada nang hindi naibabalik sa National Treasury ang nabanggit na pondo. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kakayahan ng Pagasa, kulang – COA


1st death anniversary ni Paul Walker ginunita

DINAGSA ng maraming tao ang lugar kung saan naaksidente ang artistang si Paul Walker.


Sa pamamagitan ng RIP-Paul-Walker-Gallery-Launch-TemplatePaul, ang mga Walker fans ay nagbigay ng tribute sa aktor sa unang taon ng kanyang kamatayan.


Karamihan sa kanila ay nagtungo mismo sa crash zone at nag-alay ng bulaklak bilang respeto sa yumaong aktor.


Maalalang noong nakaraang taon na nasangkot si Walker sa isang car accident ang driver nito na si Roger Rodas.


Pumanaw si Walker sa edad na 40. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



1st death anniversary ni Paul Walker ginunita


Senior citizens, libre na rin sa terminal fee

IPINANUKALA sa Kamara na libre na rin sa airport terminal fee ang mga senior citizens sa tuwing bibiyahe ang mga ito.


Sa House Bill 5184 ni Quezon City Rep. Winston Castelo, ipinasasama ang exemption sa terminal fee sa listahan ng mga pribilehiyo para sa mga senior citizens.


Katwiran ng kongresista, ang benepisyong ito ay ituturing na refund o pagbabalik sa hirap, sakripisyo at tulong na naiambag sa bansa ng mga nakatatanda.


Sa mahabang panahon, ayon kay Castelo, ay nagbayad ng buwis ang mga senior citizens at hanggang ngayon ay patuloy na nagpapakahirap para may kontribusyon sa bansa at para na din sa kanilang pamilya. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Senior citizens, libre na rin sa terminal fee


2 senglot naaksidente sa motorsiklo, 1 patay

DEDBOL ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito matapos maaksidente sa kanilang sinasakyang motorsiklo sa Arnaldo Boulevard, Bgy. Baybay, Roxas City.


Sugat sa ulo ang tinamo ng nasawing si Rey Cariño na sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Salvador Feguro.


Galing umano sa isang inuman sa Peoples Park at pauwi na ang mga biktima ngunit dahil sa kalasingan ng driver, umakyat ang kanilang motor sa gutter ng kalsada saka sumalpok sa kahoy.


Sa ngayon ay nasa punerarya na ang bangkay ni Cariño habang patuloy na ginagamot sa St. Anthony College Hospital si Feguro. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



2 senglot naaksidente sa motorsiklo, 1 patay


Kelot patay nang masagasaan habang nagte-text

DEAD-ON-ARRIVAL sa Ilocos Training Regional & Medical Center ang isang binata makaraang mabunggo ng bus sa kahabaan ng national highway na sakop nang Bgy. Gana, Caba, La Union.


Nakilala ang biktimang si Albert Espiritu, 25, market vendor, ng nasabing lugar.


Base sa impormasyon mula sa Caba PNP, nagte-text umano ang biktima habang naglalakad pauwi nang mabunggo ng bus (UVH-432) na minaneho ni Prodencio Orpilla, 43, may asawa, ng Brgy. Camarao, Narvacan, Ilocos Sur.


Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng pinsala sa ulo na sanhi ng pagkamatay nito.


Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang respondent driver habang patuloy naman ang imbestigasyon ng Caba Municipal Police Station hinggil sa nasabing aksidente. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot patay nang masagasaan habang nagte-text


CRIME OPERATION

74 katao ang isinailalaim sa verification ng kapulisan ng Manila Police Station 1 sa isinagawang ‘Bigtime Anti-Crime Operation’ ng MPD SWAT, DPSB at EOD sa pamumuno ni P/Supt.Redentor Ulsano sa Aroma St., Brgy 105, Zone 8, District 1 kung saan ay nagpositibo ang tatlo na sangkot sa pangholdap na nakilalang na sina Lato Arce ,25, ng Bldg. 15, Temporary Housing, na may kasong frustrated homicide; Joel Inobio, 22, ng Balot, Tondo at Joel Poblete, 28, ng Happy Land, Tondo, Manila. Kabilang sa mga nakumpiska ng mga operatiba ay isang .38 revolver na paltik at 14 na motorsiklo, na pawang mga walang rehistro, habang nakamasid sina P/Chief Insp. Extremadura at PSI Gilbert Cruz. CRISMON HERAMIS


.. Continue: Remate.ph (source)



CRIME OPERATION


Albay, handa na sa APEC opening

LEGAZPI CITY, Philippines – Han­dang-handa na ang Albay para sa Informal Senior Officials Meeting (ISOM) ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na gagan .. Continue: Philstar.com (source)



Albay, handa na sa APEC opening


Evidence vs Bong ‘niretoke’

MANILA, Philippines – Nabisto umano ang ilang dokumentong ginawang ebidensya laban kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. .. Continue: Philstar.com (source)



Evidence vs Bong ‘niretoke’


Trak bawal na sa Roxas Blvd.

MANILA, Philippines – Simula sa darating na Miyerkules ipagbabawal na ng Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang pagdaan ng mga trak sa Roxas Boulevar .. Continue: Philstar.com (source)



Trak bawal na sa Roxas Blvd.


P2.6 T nat’l budget hihimayin ngayon

MANILA, Philippines – Isasalang sa bicameral conference committee ang 2015 national budget bukas (Martes) upang plantsahin ang magkaibang bersyon ng Kamara a .. Continue: Philstar.com (source)



P2.6 T nat’l budget hihimayin ngayon


P30k sahod ng guro giit

MANILA, Philippines – Isinulong ni Quezon City Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



P30k sahod ng guro giit


Lifestyle check sa Bucor officials

MANILA, Philippines – Matapos na mabunyag ang umano’y talamak na problema ng droga sa loob ng National Bilibid (NBP) kaya isinusulong ni Iloilo Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



Lifestyle check sa Bucor officials


Patas na SRP sa maliit na negosyante hiling sa DTI

MANILA, Philippines – Hiniling ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc. .. Continue: Philstar.com (source)



Patas na SRP sa maliit na negosyante hiling sa DTI


PANALO NA SA PACQUIAO CHAMPION PA SA CEBU PACIFIC

NAGMISTULANG teritoryo ng Pilipinas ang Macau sa ginanap na laban ni Cong. Manny Pacquiao kontra kay Cris Algieri ng Amerika.


Lengguwaheng Pinoy lang ang maririnig mo saan mang sulok ng Venitian Hotel kung saan ginanap ang bakbakang Pacquiao at Algieri.


Personal nating natunghayan ang umalog na tuhod ng Amerikano nang matikman nito ang malulutong na suntok ni Pacquiao.


MASWERTE SI ALGIERI


Maraming pagkakataon si Pacquiao para patumbahin ang Kano, pero dahil siguro sa pagiging malapit nito sa Diyos ay mukhang nabawasan na ang bangis nito.


Usapang barbero lang… Napakasuwerte ni Algieri dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasuntok sa isang Congressman ng Pilipinas.


Malamang na hindi na ito mauulit sa tanang buhay niya.


HARAPAN WITH ALGIERI


Nang makaharap ng ULTIMATUM si Algieri… binaliktad natin ang sitwasyon at heto ang sinabi natin…


“Pacquiao is lucky to have you as his opponent because you’re a good sport.”


Sabay tanong na… “Do you think Pacquiao has lost his killer instinct already?”


Sagot ni Algieri… “I would rather fight the old aggressive Pacquiao than the new smart fighting Pacquiao.”


Base sa bulong ni Algieri sa ULTIMATUM, mas mabilis daw talunin si Pacquiao noon kaysa ngayon dahil napakatalino raw nitong kalaban.


Talaga lang ha!


CHAMPION ANG PINOY


Kitang-kita ang galing ng Pinoy sa boksing na ipinamalas na naman ni Pacquiao pero ang tanong hanggang kelan?


Hanggang mapatumba si Mayweather?


Abangan natin ang sagot ng boksingerong bading na si Mayweather.


BASTOS SA PAL


Sa dalas nating sumakay sa Philippine Airlines ay nakalimutan na nating mayroon pa palang ibang airline company sa Pinas na mas matino ang mga tauhan, gaya ng kanilang mga stewardess.


Nobyembre 21 papunta tayo ng Hong Kong via PAL, nang palipad na ang eroplano ay pinapapatay na ang lahat ng electronic gadget, partikular na ang ‘Ipad’.


Sinadya nating ipakita sa stewardess na ginagamit pa rin natin ito para lang makita kung paano ba tayo sisitahin.


Lumapit ang isang hindi naman kagandahang stewardess at sinabing “Please turn it off, Sir.”


Kung babasahin ay napakaganda naman ng pakiusap ni Ms. Di naman kagandahan, pero kung narinig n’yo mga Ka Bro ang pagkakasambit ay baka masungalngal n’yo ang nguso dahil ang estilong ginamit ay ‘yung tinatawag na magalang pero medyo bastos.


MERON PA PALA


Nob. 24, dahil sa punuang flight pauwi sa Pinas ay napilitan tayong sumakay sa ibang airline, natsamba namang sa Cebu Pacific tayo nasakay.


Muli ay sinubukan natin ang estayl na ‘look at my Ipad’.


Lumapit ang stewardess at sinabing… “Sir, pasensya na ho, pa-take-off lang po tayo pakipatay po muna ang Ipad.” na animo’y para bang nagmamakaawang bata.


Dito ay hiya ang ating naramdaman dahil sa sinseridad at pagiging mababang-loob ng tauhan ng Cebu Pacific.


Nang makarating sa NAIA ang eroplano at kasalukuyang papalapit ito sa tubo ay bigla na lang tumayo ang isang babae patakbo sa palikuran dahil nananakit na umano ang pantog nito.


Inawat ito ng stewardess at sinabing “Mam, pasensya na po baka ho kasi maaksidente kayo, sorry po ha, tiis lang ho muna nang kaunti.”


Pagpapakita lang sa pasahero na hindi n’ya rin gustong pagbawalan ito, kundi kaligtasan lang n’ya ang pinahahalagahan.


Grabe! May mga stewardess pa palang ganito kaganda ang serbisyo.


Kay Roshane Topacio at Virnajenn Bacus, saludo ang ULTIMATUM sa inyo. Nawa’y dumami pa ang tulad n’yong bukod sa maganda na ay mabuti pang asal.


MABUHAY KAYO!


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



PANALO NA SA PACQUIAO CHAMPION PA SA CEBU PACIFIC


Hindi raw happy kapag masaya ang anak!

ITINANGGI ni Ruffa Gutierrez ang isyung buntis ulit si Sarah Lahbati.


Siya rin kasi ang nagsabi sa PMPC Star Awards for TV Best Reality Show na It Takes Guts to be a Gutierrez na delayed ang mens ni Sarah.


“Biglang nagkaroon na siya, kaya ‘di siya preggy, delayed lang daw siya ng ilang weeks,” deklara ni Ruffa nang makatsikahan siya sa launching ng Appefize, isang software application kung saan ay may tinatawag na celebrity apps wherein pwede mong tingnan ang mga infos and latest updates tungkol sa paborito mong artista.


Sa palagay ni Ruffa ay hindi talaga buntis si sarah dahil swimming nang swimming. Wala ring masama kung preggy si Sarah dahil nagsasama naman sila ni Richard Gutierrez at may baby na sila (Zion). Bukod dito, gusto rin daw niyang magkaroon ng kambal.


Ang pagkakaalam niya gusto ni Sarah na magkaroon ng kambal. Pero pinapayuhan din sila ni Ruffa na i-enjoy muna ang kabataan nila.


Samantala, kasama ni Ruffa ang kanyang boyfriend sa naturang event. Ang lalaking ito ang dahilan kaya hate ni Annabelle Rama si Ruffa.


“Ngayon na naman, hate na naman niya ako. Sana naman by next week, she loves me again,” sambit ng TV host actress.


Hindi nga alam ni Ruffa kung bakit favorite siyang awayin ni Tita A.


“Alam mo kasi si Mommy, kailangan, mayroon siyang pinagkakaabalahan na parang favorite niyang ano, parang taga-aliw niya kasi kung hindi ako lagi ang nakikita niya. She always picks on me for no reason.


“Ako talaga paborito niyang away-awayin. ‘Di naman niya inaaway si Mond (Raymond), ‘di naman niya inaaway si Chard (Richard). Sabi ko, ‘Ma, don’t you want me to be happy? Parang feeling ko, hate na hate niyang happy ako,” deklara pa nito.


Anyway, masaya ang aktres sa kanyang bagong celebrity apps dahil very active siya sa social media.


May Twitter account at Instagram si Ruffa at masipag siyang magpo-post ng mga ginagawa niya, kung ano ang nararamdaman niya or kung ano ang kinakain niya. Ginagamit niya rin ito bilang paraan ng pagpo-promote at aminado naman siyang nakatutulong talaga ang social media sa ganitong aspeto.


“It has good points and bad points. Ako, I’m very active on social media, I’m very open kasi para sa akin, the fans wanna know what you’re doing, they wanna know what you’re eating, where you’re going and hindi na uso ngayon sa mga artista na hindi active sa social media.


“Pati kapatid ko na si Richard, dati pa-private-private siya, ngayon wala siyang choice, ‘di ba? So, for me, it’s a way to reach out to your fans and ngayon, nire-require na rin ng mga endorsements na maging active kayo sa social media. So, for me, I think, it’s a very good thing,” bulalas pa niya.


Ang tinik lang naman sa socal media ay ang mga bashers and haters. Ang ginagawa na lang daw niya, bina-block na lang daw niya ang mga ito.


Ang iba pang celebrities na may sariling app sa Appefize ay sina Martin Nievera, Derek Ramsay, Karylle, Jay-R, Bangs Garcia, Sollenn Heussaff at marami pang iba. And more are coming pa raw ayon kay Russel Thomas na founder and CEO ng Appepize.


Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi raw happy kapag masaya ang anak!


Pagkatapos ng big time casino, online casino naman!

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Akala ng iba’y wala ng eksena sa pagsusugal ang isang kontrobersyal na personalidad. Harharharharhar!


Ang hindi nila alam, she’s still very much into it. Hahahahahahaha!


Imagine, practically, most of her earnings in the kind of indie films that she gets to do these days purportedly goes to this online casino thing that’s the one in vogue these days with some entertainment writers like a sieve.


Like a seive raw talaga, o! Harharharharharharhar!


Indeed, reminiscent of the the kind of addiction that the highly repugnant Fermi Chakita allegedly had when she was still earning a cool one million in a month’s time.


Like the kind of addiction that Fermi Chakita had when she was still earning a cool one million in a month’s time raw, o!


Hahahahahahahahahahaha!


Yuck!


How gross!


Anyway, dahil much sought after sa mga indie flicks, ‘yung talent fee raw ng kontrobersyal na personalidad ay nauubos lang sa online casino at kasama niyang naglalaro supposedly ang kanyang live-in mate of long standing na yummy before, sooo taba na ngayon. Hahahahahahahahahaha!


No wonder, if you get to see her lately, she’s ignominiously stripped of the dazzling diamonds and expensive jewels that used to adorn her neck, ears and wrists. Hahahahahahahahaha!


Of course I’m writing this not to embarrass the famed personality we’re talking about.


Nakapanghihinayang lang talagang ngayong ‘di na gaanong bonggacious ang kanyang finances ay can afford pa siyang pagpatalo ng daang libo sa online casino.


How so very depressing indeed! Hahahahahahaha!


Magbago ka na, mama. It’s not everyday that you’d be earning that much.


Aren’t you scared of what’s in store for you in the future specially so now that you’re no longer young and old age appears to be lurking around the corner?


Sa totoo, nakapanghihinayang ang ibinigay na talino sa ‘yo ng Diyos kung ganyang hindi mo naman ito ginagamit sa maayos na paraan.


‘Yun nah!


MEG IMPERIAL KNOW HOW TO HANDLE HER FINANCES


Nakabibilib (hayan Bubonika, salitang-ugat ang inuulit, lukresya! Hahahahahahahaha!) naman ang ability to handle her finances nitong si Meg Imperial.


Hayan at in so short a time, may mga naipundar na rin ang pleasant-looking protegee ni Ms. Claire dela Fuente at masasabing fairly stable na siya of late in a manner of speaking.


Pa’no kasi, she’s not into any vices and would want to stay home and enjoy a sedate existence with her family.


Unlike other sexy stars, wala siyang hilig sa night life and would want to read some paperpacks instead or watch some significant Hollywood movies on DVD.


Kung lahat sana ng mga young actresses ay tulad niyang hindi gimmick-oriented at may sense of direction ang buhay, magiging maganda sigurong lalo ang show business.


“Tama ‘yan,” chimes in her talent manager Ms. Claire Dela Fuente. “One thing I like about my talents is the fact that they are not gimmick-oriented and would prefer to stay home when not busy with their showbiz commitments.


“That way,” she goes on further,” name-maintain ang kanilang enigma sa publiko at hindi ba tulad ng iba riyan na parang wala nang itinago sa publiko dahil masyadong too visible for comfort.”


Tama!


Dapat lang!


Very Ms. Claire indeed. Hahahahahahahahaha!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkatapos ng big time casino, online casino naman!


NALINTEKAN NA ANG JEFFREY!

NEGATIBO ang resulta ng isinagawang DNA testing sa Amerikanong manyakis na si U.S. Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Jeffrey Laude ng Olongapo City.


Sa mga ebidensyang nakalap ng awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen tulad ng supot ni kuya o mas kilala sa tawag na ‘condom’ na ginamit sa pagsusuri, aba’y lumabas na hindi kay Pemberton ang mga iyon.


Sa ginawa rin na ‘swabbing’ o pagpapahid ng bulak sa loob ng bunganga hanggang sa bukana ng lalamunan ay tumambad sa pagsusuri na hindi rin kay Pemberton.


Ang pamilya ng biktima ang humiling sa DNA test batay sa sulsol este, payo ni Pareng Harry Roque sa paniniwalang ito ang magdidiin kay Pemberton pero kuryente ang inabot ng pamilya Laude.


Parang may malangsa sa mga pangyayari? Kung hindi talaga si Pemberton ang salarin bagaman may mga salaysay na nagsasabi na siya ang kasama ni Jeffrey noong araw na iyon, baka may hokus pokus na? Magsalita ka, Atty. Roque!


###


WALA NANG DAP O PORK BARREL


Ito ang pahayag ng Malakanyang kaugnay sa badyet para sa susunod na taon na binatikos dahil nakapaloob pa rin daw ang sangkaterbang Pork Barrel at DAP ni PNoy.


Hindi lahat ng Pinoy ay tanga! Kung meron man, hindi naman ito ginagamit araw-araw lalo na kung katiwalian o korupsyon sa gobyerno ang usapin tulad ng Pork Barrel.


Kung totoo man na wala na ito, matibay na katibayan dito ang pag-ayaw na ng mga politiko na makilahok pa sa darating na Elections 2016 pero sa tinatakbo ng sitwasyon ay ganadong-ganado pa rin sila dahil may ‘kabuhayan’ pa rin.


Sinong tanga na politiko na tataya ng milyon sa politika kung wala nang ‘dilihensya’. ‘Yung mga tao ni PNoy ay kapit-tuko pa rin sa kanilang puwesto kasi tiba-tiba pa rin sila. Wala na raw Pork Barrel, ute… ninyong may asin!


***

Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


.. Continue: Remate.ph (source)



NALINTEKAN NA ANG JEFFREY!


NAIUWI NG PAG-IBIG FUND ANG DALAWANG SILVER STEVIE AWARDS

NAKAMIT ng Pag-IBIG Fund ang dalawang “Silver Stevie Awards” sa 11th annual Stevie Awards for Women in Business na kung saan nanalo bilang Female Executive of the Year in Government or Non-Profit si Atty. Darlene Marie B. Berberabe, President and Chief Executive Officer, at ang Senior Management team ay nanalo rin ng kaparehong gantimpala para sa ahensya bilang Management Team of the Year sa katatapos na 2014 “Awards Dinner” na ginanap sa New York noong Nobyambre 14, 2014.


“Ang silver Stevie Awards na iginawad sa akin at sa Pag-IBIG Senior Management team – na binubuo ng aking sarili; at ang tatlong Deputy CEO na sina Emma Linda B. Faria para sa Support Services Cluster, Ophelia L. Dela Cerna para sa Provident Operations Cluster, at Acmad Rizaldy P. Moti para sa Home Lending Operations Cluster; at ang aming Chief Legal Counsel Atty. Robert John S. Cosico – ay isang malaking karangalan para sa buong samahan at sa ahensya. Ang mga miyembro namin ang makikinabang mula sa mga nakukuha naming mga pagpupuri mula sa pamayanang internasyonal dahil sa pagbabalida ng mga hurado sa lahat ng mga transaksyong aming ginagawa.


Ang 14.5 milyong miyembro ng Pag-IBIG ay ang tunay na nagwagi sa tuwing mayroon kaming nakakamit mula sa mga award-giving body sa Pilipinas at sa ibayo, dahil sila ang aming inspirasyon, at ang makikinabang sa aming makabagong mga programa na aming nilikha para sa mas malaki, mabuti at mabilis (bigger, better, faster) na Pag-IBIG Fund para sa mga mangaggawang Pilipino sa buong mundo” ayon kay Atty. Berberabe.


Ang Pag-IBIG Fund ang KAUNAUNAHAN ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas na nanalo sa Stevie Awards for Women in Business at ang unang ahensya ng pamahalaan sa Asya na nanalo bilang Management Team of the Year. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



NAIUWI NG PAG-IBIG FUND ANG DALAWANG SILVER STEVIE AWARDS


28 kaso ng rape araw-araw, naitala ng PNP

TINATAYANG nasa 28 kababaihan at bata ang nagiging biktima ng rape araw-araw sa bansa.


Inihayag ito ni Makati Rep. at House Deputy Majority Leader Len Abigail Binay kasabay ng kanyang pagkwestyon kay DILG Secretary Mar Roxas kung bakit hindi ito nasasawata.


Lumalabas sa datus ayon sa kongresista, mula Enero hanggang Setyembre lamang ng taong ito ay nasa 7,785 na kaso ng rape ang napaulat.


Noong nakaraang taon ay nasa 25 kaso araw-araw ang naitala o sa kabuuang 9,177 kaso ng rape sa iba’t ibang panig ng bansa.


“At this high rate of increase, we’re afraid the aggregate number of rape cases for the entire 12 months of 2014 will likely top the 10,000-mark for the first time,” ayon kay Binay.


Kinuwestyon ni Binay si Roxas bilang civilian head ng Philippine National Police (PNP) kung bakit kapos sa aksyon at resolusyon ang kalihim sa pagsugpo sa malalagim na pag-atake sa mga kababaihan kabilang ang mga bata.


Giit ni Binay, mukhang natutulog sa pansitan ang ilang miyembro ng PNP na nasa ilalim ng pamumuno ni Dir. Gen. Alan Purisima.


“We need a new get-tough policy on crime. And we need it yesterday,” ani Binay.


Mismong statistics ng PNP ang pinagmulan ng impormasyon ni Binay na nasa 7,785 na kaso ng rape ang naiuulat araw-araw batay sa blotters ng pulisya, barangay at iba pang law enforcement agencies.


Ang nakaaalarma pa ayon kay Binay ay posibleng mas mataas pa ang datus dahil may ilang biktima aniya ang mas ginustong manahimik kaysa humingi ng tulong sa awtoridad sa takot na sila’y resbakan.


Kasabay nito, isinulong ng mambabatas ang imbestigasyon sa pagpapatupad ng Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998 kasabay ng kanyang mungkahi na dagdagan ang women’s desk sa bawat istasyon ng pulis. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



28 kaso ng rape araw-araw, naitala ng PNP


Guro, inutas sa malaking utang

ECHAGUE, ISABELA – Dead-on-the spot ang isang public school teacher matapos barilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Cabugao, Echague sa nasabing lalawigan.


Kinilala ni Echague police commander Sr. Insp. Gerald Gambao, ang biktimang si Twinkle Gario, 37, ng Bgy. Silauan, sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, sinabi ni Gambao na nakasakay ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang mister nang harangin sila ng mga suspek.


Ayon sa pulisya, ang backrider ang siyang bumaril sa ng dalawang beses sa biktima gamit ang .45 pistol.


Nakita sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng bala ng baril na ginamit ng isa sa mga suspek.


Ayon sa asawa ng biktima, may malaki umanong pagkakautang nito na posibleng motibo ng krimen. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Guro, inutas sa malaking utang


Totoy tigbak sa truck

PATAY ang isang lalaki matapos masagasaan at pumailalim sa truck habang naglalakad ang sa gilid ng kalsada sa Valenzuela City, Sabado ng hapon, Nobyembre 29.


Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Marjon Pamintuan, 9, ng Lingahan Rd. 1, Malanday ng lungsod.


Sumuko naman sa mga pulis si Jaymar Palattao, 34, ng Sta. Cruz, Antipolo City, driver ng Isuzu Cargo Truck (XKP-489).


Sa ulat, alas-2 ng hapon, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada sa McArthur Highway sa Dalandanan ng lungsod nang masagi ng suspek.


Natumba ang biktima na pumailalim sa truck na naging dahilan upang magulungan na agad na ikinamatay ng totoy. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Totoy tigbak sa truck


Kampanya sa ‘maling impormasyon’ vs. APECO, ibinulgar sa Senado

Inihayag ng isang resource person sa pagdinig ng Senado ang umano'y kampanya sa pagpapakalat ng maling impormasyon na itinutulak ng isang grupong kontra sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Kampanya sa ‘maling impormasyon’ vs. APECO, ibinulgar sa Senado


Bilang ng mga namatay sa Ebola, halos 7k na — WHO

Halos 7,000 katao na ang namamatay sa West Africa dahil sa Ebola virus, ayon sa World Health Organization noong Biyernes. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bilang ng mga namatay sa Ebola, halos 7k na — WHO


Saturday, November 29, 2014

QC gov’t gagamit na rin ng solar panel

PARA makatipid sa pagkonsumo ng kuryente, plano ng pamahlaan ng Quezon City na gumamit na rin ng solar panel sa mga pampublikong paaralan at gusali ng pamahalaan sa lungsod.


Sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na inatasan na niya ang division of city schools at Task Force Streetlights para pag-aralan ang pagkabit ng mga solar panels sa mga roofing ng mga pumpublikong eskwelahan at gusali mga ng ahensya ng gobyerno sa lungsod.


Paliwanag ni Bautista na bukod sa maibababa nito ang singil sa paggamit ng kuryente ay may pagkakataon din itong lumikha ng dagdag-kita sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbebenta at metering sa sobrang suplay ng kuryente na makukuha sa paggamit ng solar panels.


Mismong ang Meralco aniya ay maaaring bumili sa QC government ng solar power sa halagang P5.00 per kilowatt lamang o higit pa. Sa proyektong ito, ang pamahalaang lokal ng Quezon City ang aako sa malaking investment para sa pagkakabit ng solar panel sa mga public school at government buildings sa lungsod.


Sa ngayon, ang SM North EDSA ay nakakapag-generate na ng 1.5 megawatts ng kuryente mula sa solar panels na nakakabit sa multi-level car park rooftop nito at nakakatipid ng halos limang porsyento sa gamit sa suplay ng kuryente ng naturang mall na may halagang P2-milyon sa gastusin sa kuryente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



QC gov’t gagamit na rin ng solar panel


Azkals babangga sa Thailand

NABAHAG ang buntot ng Philippine Azkals matapos silang malugmok sa Vietnamese, 1-3 10th ASEAN Football Federation Suzuki Cup 2014 sa My Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam kagabi.


Gayunman, sisipa pa rin sila sa semifinals matapos sagpangin ang segundo puwesto sa Group A na may dalawang panalo at isang talo.


Babangga ang Pinoy Booters sa semis kontra regional powerhouse Thailand na nag top sa group B na gaganapin sa December 7 sa Rizal Memorial Football Stadium.


Sinamantala ng mga Vietnamese ang pagkawala ng key players ng Azkals na sina Juani Guirado at Patrick Reichelt na nagkaroon ng injuries upang makabawi ang una sa huli.


Napilayan sina Guirado at Reichelt nang talunin nila ang Indonesia, 4-0, na siyang nagsiguro naman sa kanila para makapasok sa semis.


Si Paul Mulders ang umiskor para sa Phil. Azkals sa 60th minute pero bago ‘yun ay naka-goal na sina Ngo Hoang Thinh (9th min.), Vu Minh Tuan (51st min.) at Pham Thanh Luong (59th) para sa Vietnam.


Sa tatlong editions ng AFF Suzuki Cup ngayon lang natalo ang Azkals sa Vietnam.


Ayon kay Azkals head coach Thomas Dooley hindi magiging madali ang laban nila sa Thailand.


“Against Thailand it will not be an easy game. They play in a similar way to Vietnam,” saad ni Dooley.


Makakalaban naman ng Vietnam may record na two wins at draw sa semis ang No. 2 sa Group B na Malaysia na may kartang isang panalo, talo at tabla.


Ang mga tumalsik sa Group A ay ang Laos at Indonesia habang sa kabilang grupo ay ang Singapore at Myanmar. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Azkals babangga sa Thailand


4-day Papal holiday, pinag-aaralan na

INIHAYAG ni Marciano Paynor, Jr., dating ambassador to Israel at miyembro ng Papal Visit Central Committee, na seryosong pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagdedeklara ng ‘papal holiday’ sa panahon nang pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 15-19, 2015.


Sinabi ni Paynor na kaagad nilang iaanunsyo sakaling magdesisyon ang pamahalaan na magkaroon ng holiday sa mga nasabing araw.


Ipinaliwanag niya na noong bumisita sa Pilipinas si Pope St. John Paul II noong 1995 ay nagdeklara rin ng holiday ang pamahalaan.


Layunin rin aniya nito na makaiwas sa matinding trapik ang publiko na inaasahang makakaapekto sa negosyo at trabaho.


Malaking bagay rin ang holiday para sa mga Katoliko na nais lumahok sa mga aktibidad para sa papal visit.


Una nang nagdeklara ng holiday si Manila Mayor Joseph Estrada sa lungsod, kasabay ng papal visit.


“We are seriously considering the possibility and in due time we will announce if there is going to be holidays on those days,” ani Paynor sa panayam ng church-run na Radio Veritas.


Tiniyak rin naman ng Papal Visit Committee on Accommodations na mananatili ang Santo Papa sa isang ligtas na lugar na inaayos na ng mga opisyal ng Simbahang Katoliko.


Sinabi ni Fr. Jimmy Marquez, executive secretary ng Komite, na hindi nila isasapubliko ang eksaktong lokasyon para na rin sa seguridad ng Santo Papa.


Makikipagpulong rin aniya ang komite sa Department of Tourism (DOT) kasunod ng mga ulat na ilang hotel umano sa kahabaan ng Roxas blvd. ang ginagamit na excuse ang papal visit para magtaas ng presyo ng kanilang accommodation rates. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



4-day Papal holiday, pinag-aaralan na


Patay sa W. Africa, halos 7,000 na – WHO

SUMIRIT na sa 7,000 ang bilang ng mga namamatay dahil sa nakamamatay na ebola sa West Africa.


Batay sa pahayag ng World Health Organization (WHO) nitong Sabado, sa 16,169 na tinamaan ng Ebola virus, 6,928 na ang namatay sa Sierra Leone, Guinea at Liberia.


Ang kasalukuyang death toll ay mas mataas ng mahigit 1,200 kumpara sa 5,674 na naitala noon lamang Miyerkules.


Paliwang ni WHO Spokesperson Tarik Jasarevic, naisama na sa bilang ang dating unreported deaths partikular mula sa Liberia. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Patay sa W. Africa, halos 7,000 na – WHO


Seguridad sa Cotabato, hinigpitan sa pagtungo ni PNoy bukas

PINAIGTING pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Lungsod ng Cotabato para matiyak ang kaligtasan sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III bukas, Disyembre 1.


Ito’y kasunod ng pagsabog sa nasabing lungsod alas-4:30 kahapon na ikinasugat ng isa.


Kinilala ang biktimang si Rasmia Angas, 22, dalaga, ng Cotabato City.


Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt. Rolen Balquin, dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa isang dumptruck na dumaan sa Sinsuat Ave. cor. Rosales St. kung saan naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima.


Una rito, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog alas-10:00 naman ng umaga kahapon sa Sitio Bagong Bgy. Timbangan Shariff Aguak Maguindanao pero masuwerteng walang tinamaan.


Napag-alamang panauhing pandangal si Pangulong Noynoy Aquino sa State of the Region Address (SORA) ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na gagawin sa Office of the Bangsamoro People sa Cotabato City.


Ngunit hindi pa kumpirmado kung matutuloy ang pangulo sa pagdalo sa SORA ni Governor Hataman.


Gayunman, maraming mga pulis at sundalo ang ikinalat sa Maguindanao, North Cotabato at Cotabato City para masiguro ang seguridad ni Pangulong Aquino laban sa banta ng pambobomba at pananalakay ng mga armadong grupo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Seguridad sa Cotabato, hinigpitan sa pagtungo ni PNoy bukas


Doktor, kakasuhan sa pagkamatay ng newborn baby

KAKASUHAN na ng pamilya Salindab ang doktor na nag-opera at sa iba pang responsable sa pagkamatay ng sanggol na isinilang ni Rohaida Alamada Salindab kamakailan.


Ayon kay P/Insp. Alonto Arobinto, chief of police ng Buluan PNP, Nobyembre 27 pa nang isinugod sa Buluan Hospital ang nagdadalang-taong si Rohaida.


Bandang alas-3:35 ng umaga nang ipinasok ito sa operating room upang isailalim sa ceasarian section.


Bago pa lumabas ang sanggol, madalas umanong itinatanong ng mister ni Rohaida na si Mindatu Mukalam Salindab ang head nurse at sinabing nasa maayos na kondisyon ang sanggol sa loob ng tiyan ng ina.


Ngunit nang matapos na ang operasyon, nagulat na lamang ang pamilya nang ipinakita sa kanila ang sanggol na patay na at tinahi ang leeg nito.


Dito na nagbago ang pahayag ng ospital at sinabing dalawang araw nang patay ang bata sa loob ng sinapupunan.


Hindi naman naglabas ng opisyal na statement ang OB gyne na siyang nag-opera sa biktima na si Dr. Estrella Mae Toreña.


Ayon naman sa Buluan PNP, kanila mismong nakita ang bangkay ng naturang sanggol at naniniwala silang sariwa pa ito at imposibleng dalawang araw na itong namatay.


Ngayong araw naman maglalabas ng kumpletong report ang mga awtoridad kaugnay sa naturang reklamo.


Inilibing na ng pamilya ang namatay na sanggol, alinsunod sa tradisyong Islam sa kanilang lugar sa bahagi ng Sitio Mamalinta, Bgy. Dalagdagan, Mangudadatu, Maguindanao. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Doktor, kakasuhan sa pagkamatay ng newborn baby


Kelot nagpakamatay dahil sa pagkamatay ng misis

NAGPAKAMATAY ang isang mister dahil sa labis na paghihinagpis sa pakawala ng kanyang misis sa Sitio Agbalanay Mianay Ivisan, Capiz.


Wasak ang kanang bahagi ng mukha at halos ‘di na makilala ang biktimang si Romeo Onse, 62, matapos barilin ang sarili gamit ang 12-gauge shotgun.


Labis umano ang paghihinagpis ng mister sa pagkawala ng misis na inilibing isang linggo pa lang ang nakalilipas.


Nauna nang binanggit ni Onse sa kanyang mga kamag-anak habang nag-iinuman na hindi na niya kaya ang kanyang mga problema na sinabayan pa ng pagkamatay ng misis. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot nagpakamatay dahil sa pagkamatay ng misis


Halos buong bansa, apektado sa LPA

APEKTADO ang buong bansa ngayong araw dahil sa low preassure area (LPA), na huling namataan ng PAGASA sa layong 90 kilometro sa hilagang-kanluran ng Cebu City (11.0°N, 123.5°E).


Kabilang sa inaasahang uulanin ang Bicol region, Eastern at Central Visayas, pati na ang Caraga at Davao region.


Dahil tumatama na sa lupa ay maliit na ang tyansa ng LPA na maging bagyo.


Samantala, dalawa hanggang tatlo naman ang maaaring pumasok na sama ng panahon ngayong Disyembre. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Halos buong bansa, apektado sa LPA


NBP aalisan ng cellphone signals

MANILA, Philippines – Mistulang kinatigan kahapon ng Malacañang ang panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang cellphone .. Continue: Philstar.com (source)



NBP aalisan ng cellphone signals


Bawas presyo sa LPG

MANILA, Philippines – Magpapatupad bukas, Disyembre 1, ng bawas-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang oil firm na Petron Corporation. .. Continue: Philstar.com (source)



Bawas presyo sa LPG


18 ahensiya tutok sa papal visit

MANILA, Philippines – Labing-walong ahensiya ang tututok sa pagbisita ni Pope Frances sa bansa sa Enero 2015 upang matiyak na mabibigo ang anumang tangkang p .. Continue: Philstar.com (source)



18 ahensiya tutok sa papal visit


‘Tinatawaran nila ang tagumpay ng sambayanan’ - Smartmatic

MANILA, Philippines – Desperado uma­nong makamit ng mga natalong karibal ng Smartmatic Philippines ang kontrata sa pagsu-supply ng mga karagdagang precinct c .. Continue: Philstar.com (source)



‘Tinatawaran nila ang tagumpay ng sambayanan’ - Smartmatic


Malacañang asa pa rin sa e-powers ni PNoy

MANILA, Philippines – Muling nagpahayag ng pag-asa kahapon ang Malacañang na mabibigyan ng emergency powers ng Kongreso si Pangulong Aquino. .. Continue: Philstar.com (source)



Malacañang asa pa rin sa e-powers ni PNoy


Di nagamit na ‘pork’ ng 9 lungsod sa MM isoli - COA

MANILA, Philippines – Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang siyam na siyudad sa Metro Manila na ibalik sa National Treasury ang hindi nagamit na Priority .. Continue: Philstar.com (source)



Di nagamit na ‘pork’ ng 9 lungsod sa MM isoli - COA


Bagong LPA magpapaulan

MANILA, Philippines – Isang bagong sama ng panahon ang namataan ng PAGASA na magpapaulan sa buong bansa partikular sa Caraga region at Eastern Visayas. .. Continue: Philstar.com (source)



Bagong LPA magpapaulan


SEKYU NG BID, NAMBASTOS NG ISANG SENIOR CITIZEN NA BABAE

NOONG nakalipas na araw ng Martes ay lumapit sa Lily’s Files ang isang Senior Citizen na babae na masamang-masama ang loob sa mga sekyu ng Bureau of Immigration and Deportation o BID dahil sa pagmumura sa kanya at maling pagtrato sa kanya sa loob mismo ng tanggapan ng BID sa Intramuros, Manila.


Nang marinig ko ang kuwento nitong si Marlyn Ajesta ay parang na-high blood ako at gusto kung sumugod sa tanggapan ng BID para sampal-sampalin itong Security Guard 1 na si Noel Carandang.


Sinasabing itong si Marlyn Ajesta ay pumunta sa tanggapan ng BID para kausapin at dalawin ang isang kaibigan noong nakalipas na Lunes, Nobyembre 24, bandang alas-10:20 ng umaga at bago pumasok ay naglabas ito ng kanyang ID sabay pa inspection ng kanyang bag.


Tinanong ng isang sekyu si Ajesta kung saan ito pupunta at kung ano ang transaction na gagawin nito sa loob.


Ang sagot ng babae ay pupunta siya sa extension office dahil may itatanong lang siya sa kanyang kaibigan at wala siyang transaction na gagawin.


Sa madaling salita ay nagkaroon ng komosyon sa nasabing tanggapan kaya hinawakan ni SG1 Noel Carandang ang kamay ng babae at dinala at itinulak ito sa isang maliit na silid para raw paimbistigahan.


Itinulak daw nitong si Carandang si Ajesta sa investigation room ng BID habang minumura pa kaya lalong natakot ang babae at dito humarap ang hepe ng mga sekyu na si Arnaldo Damian na sa halip na ayusin para huminahon ang babae ay kinampihan pa nito nang harap-harapan ang sekyu na si Carandang.


Pinaratangan pa raw ng mga sekyu, lalo na itong si SG2 Gabriel Damgo, ang babae na may gagawing masama sa loob dahil kilala na nila ito ngunit sinabi ni Ajesta na ‘di naman siya pumupunta sa tanggapan ng BID.


Napag-alaman ng Lily’s Files na itong si Ajesta, bukod sa pagiging babae at senior citizen pa, ay dati ring barangay chairwoman sa Brgy. Bacood, Sta. Mesa, Manila ay ang mga sekyu ng BID, tamang hinala kayo, mga sir, nagsha-shabu ba kayo para paratangan ninyo nang ganyan ang isang tao, lalo na kung ito ay isang babae at senior citizen pa?


Hindi ba kayo marunong ng kortesiya, lalo na sa mga senior citizen?


Nakahihiya kayo, alalahanin ninyo na karamihan sa nagpupunta riyan sa binabantayan ninyong tanggapan ay puro mga dayuhan.


BID Com. Sigfred Mison, sir, ganyan ba makiharap sa tao ang inyong mga security guard diyan sa BID?


May nakarating din sa Lily’s Files na nangungumpiska raw ng passport ang ilan sa iyong mga sekyu para kumita ng konting barya.


Grabeeeee, hindi na tama ‘yang pinaggagawa ng iyong mga guwardiya riyan sa BID, Com. Mison, huwag kayong magtulug-tulugan diyan sa inyong airconditioned na opisina, lumabas din kayo para makita n’yo ang pinaggagawa ng inyong mga guwardiya riyan.


Paimbestigahan n’yo ‘yang insidenteng ‘yan.


Huwag n’yong kunsintihin ‘yang mga guwardiya mo.


Ngayon n’yo ipakita ang Tuwid na Daan ng amo mo, huwag ninyong pairalin ang tuwad na daan na siyang ginagawa ngayon ng halos lahat ng ahensya ng gobyerno. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



SEKYU NG BID, NAMBASTOS NG ISANG SENIOR CITIZEN NA BABAE


PATAK PINOY IN ACTION

TALAGANG ‘di na paaawat itong Patak Pinoy Kaunlaran, Inc. na pinangungunahan ng founder nito na si Ka Henry Alvez, na tunay na nirirespeto at hinahangaan hindi lang ng inyong lingkod kundi maging ng mga miyembro ng ibang samahan sa Malabon.


Eh bakit kamo? Kamakailan lang ay pinangunahan nito ang ilang opisyal ng Patak Pinoy sa isinagawang Parliamentary Procedures Seminar na ginanap sa City Hall at inisyatibo ni Mayor Lenlen Oreta III sa pamamagitan ng City Cooperative Development Office upang lalong mapalakas ang kooperatiba sa lungsod.


Ang mas masuwerte ay ang libong miyembro nito dahil kahit bilang bagong tatag na organisasyon pa lang ay makikita ang determinasyon at positibong direksyon nito dahil na rin sa dedikasyon ni Ka Henry na matulungan ang mga maralitang taga-lungsod na magkaroon ng sariling tahanan na kanilang babayaran direkta sa banko at sa sobrang mababang pagbabayad.


Mabilis dumami ang bilang ng samahan dahil nakita ng mga ito na may mabuting patutunguhan ang Patak Pinoy para sa kanilang interes pero mas uunahin muna nito na mabigyan ng sariling bahay ang naunang batch ng 600 families mula sa mga Brgy. Santulan, Maysilo at Panghulo sa itatayong housing site o subdivision sa susunod na taon.


Sa hangarin ni Ka Henry na mas lalong maging malakas at organisado ang samahan, pinangunahan nito ang ginanap na two-day seminar at doon nabuhay ang Patak Pinoy Housing Cooperative na siyang magiging haligi ng organisasyon upang maging mas madali at epektibong maipatupad ang mga programa nito, lalo sa pabahay ng mga miyembro nito.


Kung tutuusin wala namang mahihita o pansariling pakinabang na makukuha itong si Ka Henry bukod pa sa ito ay isang simpleng tao lamang na nag-retire bilang empleyado sa Justice Department. Talagang nais n’ya lang makatulong ‘in his own little way’ ika nga.


Mabuhay ka Ka Henry, sana dumami pa ang lahi mo!


CALOOCAN METRO EAST ROTARY CLUB


Eto pa ang isang samahan na ating hahangaan sa pangunguna ng kanilang pangulo na si kaibigang Arnel Dimalanta, kasama ang immediate past president nito na si Manny Tan.


Naging matagumpay at tiyak ang mahihirap na taga-lungsod ang makikinabang sa pinakahuling proyekto nito, ang palabas kamakailan ni ‘Rico Da Magician’ na isa ring miyembro at finalist sa ABS-CBN Pilipinas Got Talent Season 2 kung saan ito ay dinumog sa World Citi College sa EDSA, Caloocan.


Kung tutuusin, sa talent fee pa lang at high-tech na gamit ni Rotarian Rico sa kanyang pagmamadyik, baka hindi kayanin ng samahan ito pero dahil nga kasama siya ng grupo sa paglilingkod nang walang bayad sa publiko kaya bigay-todo siya. Ang resulta, ang mahihirap na taga-lungsod ang panalo!


Tulad ng iba pang proyekto ng grupo ni Pangulong Dimalanta, ang mga naulilang mga bata at ibang street kids sa lungsod ang t’yak may masayang Pasko.


Hindi ko na babanggitin ang lahat ng masisipag at henerosong miyembro nito na malalapit sa aking puso, baka may ‘di ako mabanggit at magtampo pa sa akin, hehe.


Mabuhay kayo, mabuhay ang Caloocan Metro East Rotary Club! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



PATAK PINOY IN ACTION


ANG MGA NADAKIP NA BAD ELEMENT NG BANSA

SILIPIN natin ang mga accomplishment ng Philippine National Police (PNP) sa nagdaang buong November 24 up to Nov. 27 2014.


Noong Nov. 24 ay 22 na motorsiklo ang narekober ng mga alagad ng batas.


Nakaaresto rin sila ng anim katao na may iba’t ibang kaso sa Parañaque City.


Bukod pa ang pagkakadakip ng 12 drug pushers sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Manila Police District (MPD) – Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng MPD-SOTG ng 500 gramong shabu na nagkakahalaga ng P1.5-milyon at 1-2 kilo ng marijuana.


Nalambat din ng grupo ni Tarlac CIDG chief Maj. Luis Ventura ang gang leader at notorious na drug trafficker sa San Manuel, Tarlac.


Naaresto rin ng Zamboanga del Sur-PDEA ang No. 6 most-wanted drug personality at nadakip din sa manhunt operation ang isang roberry suspect sa Aliaga, Nueva Ecija.


Samantala, binigyan naman ng parangal si PO3 Ariel Dobles sa ipinamalas nitong katapangan nang mapalaban sila ng partner niyang si PO1 Wilmer Sabling sa mga armado na kalalakihan sa Sitio Kampalan na ikinamatay ni Sabling.


Kamakailan ay naaresto rin ng kapulisan ang top leader ng NPA at ang suspected leader ng “Lando Crime Gang” sa Caloocan City.


Sa mga accomplishment na ‘yan ay ipinakita ng PNP sa pamumuno ni PNP chief Gen. Alan Purisima ang magandang liderato nito.


SI KERNEL ANG GAMIT SA TONG


Sino itong isang alyas Joey ng Easterm Police District na panay ang ikot sa mga operator ng sugalan at nanghihingi ng ‘tong’ gamit ang pangalan ni EPD DD Supt. Abelardo Villacorta?


Hindi ko lang alam kung may basbas dito ni kernel kaya nagagawa niyang gamitin ang ngalan nito.


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



ANG MGA NADAKIP NA BAD ELEMENT NG BANSA


PCSO HULOG NG LANGIT SA MGA YAGIT

MARAHIL, sa maraming Juan at Maria, ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ay isang ahensya ng gobyerno na sa kanila’y – ‘wala lang’. Ang iba nga, kung tawagin ang PCSO ay immoral na opisina dahil sa iba’t ibang sugal na ino-operate, tulad ng Lotto at Loterya ng Bayan (LnB).


Ngunit para sa libo-libong natulungan dahil walang perang pambili ng gamot at pampaospital, ang PCSO ay ‘hulog ng langit’ sa kanila.


Aaminin kong noo’y isa ako sa maraming Juan at Maria na walang pakialam sa PCSO – kumbaga ‘wala lang’ din at ‘di importante ang ahensya sa akin. Pero aaminin ko rin ngayon na isa na ako sa libo-libong napabilib ng ahensyang ito.


Bumilib ako sa PCSO, ‘di dahil natulungan nang personal ng PCSO, kundi dahil ako’y naging instrumento sa dalawang naayudahan ng ahensya.


Sa pamamagitan ng kaibigang si Efren Esquera at ni Joel ng PCSO, nadagdagan ng buhay ang inilapit kong maybahay ng isang MMDA personnel.


Noong nakaraang linggo, inilapit natin sa PCSO ang nagngangailangan ng ayudang si Aling Aurora Pacheco ng Bagong Barrio, Caloocan City. Dahil sa tulong ng PCSO, si Aling Aurora may pag-asa na muling makalakad dahil ooperahan na ang nabaling buto sa kanyang kaliwang pigi.


Dahil sa tulong na iginawad sa inilapit nating dalawang may karamdaman, naging lubos kong naunawaan kung ano ba talaga ang PCSO. Dahil sa mga natulungan na ito, lalo kong naunawaan kong bakit ganoon na lamang ang pagpupursige ng ahensya para kumita ng halaga.


‘Di ako mahilig, pero ngayo’y araw-araw na akong tataya. Ito’y isang paraan para kahit sa katiting na paraan ay makatulong sa fund-raising ng ahensya. Malay mo, baka suwertihin, maging milyonario rin ako. Joke, joke, joke pero kung magkatotoo, aba’y magdo-donate pa ako sa PCSO.


Kasi kung walang PCSO, paano ang mga mahihirap na may sakit. Kung walang PCSO, maraming mamamatay dahil walang gamot at pampa-ospital. Ang PCSO ay totoong hulog ng langit sa mga yagit.


Kudos sa mga opisyal at kawani ng PCSO sa pangunguna ni chairman Ferdinand Roxas. Mabuhay ang PCSO. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



PCSO HULOG NG LANGIT SA MGA YAGIT


MGA ESTUDYANTE ANG BIKTIMA

ISANG 14-anyos na bata ang ginahasa, pinatay at sinunog pa.


Galing sa eskwela ang bata at umuwi lang para mananghalian nang pagsamantalahan ng mga kriminal.


Nito lang din nakaraang mga araw dito sa QC, dalawang estudyante ang pilit na isinakay ng mga masasamang loob sa isang van, mabuti na lang at nakatakas ang mga dalagita.


Ang report sa akin, noon pa ay nangyayari ang mga ganitong krimen pero walang nagsusumbong, lalo ang mga magulang ng mahihirap na mga estudyante na hindi siguro alam ang gagawin.


Magsusumbong ba sila sa pulis?


Kung hindi naman nila nakilala ang mga tao sa van, kung walang pagkakakilanlan ang mga kriminal hanggang saan nila maitutulak ang kaso o ang kanilang reklamo.


Mas lumalala ang isyung ito.


May mga kwento nang ganito noon pa man, mga estudyante ang binibiktima.


Ang mga batang naglalakad papunta at pauwi sa eskwela, napapahamak pa at napagsasamantalahan.


Ganitong-ganito ang kwento sa mga komunidad noon pa man, na mga estudyante nga raw ang pinupuntirya at may mga van daw kung saan nakasakay ang mga kriminal.


Hinahablot ang mga bata at pilit na isinasakay sa kanilang sasakyan, inaabuso at pinagsasamantalahan.


Totoo ba ang mga kwento kahit noon pa man?


May mga nahuli na ba?


Ano ang mga dapat gawin para matigil na ang ganitong mga krimen na ang pinupuntirya ay mga walang kalaban-labang mga estudyante.


Dapat ay ilabas ang mga totoong kwento, ma-identify ang mga biktima at mabigyan ng hustisya at mapapanagot ang mga kriminal.


Ang hamon ay para sa ating mga awtoridad na sugpuin ang mga kriminal na ang ginagawang biktima ay mga estudyante.


Kailangan malinaw na maipaliwanag ang operasyon ng ganitong kriminalidad at makapagsagawa ng mga paraan para maproteksyunan ang kabataang Pinoy.


Delikado kung hindi maiimbestigahan ito ngayon na.


Nanganganib ang buhay ng marami sa ating mga estudyante, lalo ang mahihirap.


Kailangan natin ng solusyon.


o0o

Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA ESTUDYANTE ANG BIKTIMA


Cavite councilor, pinatay sa araw ng kasal ng kaniyang anak

Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa kaniyang farm sa Tanza, Cavite. Ang krimen, nangyari sa mismong araw ng kasal ng anak ng biktima. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Cavite councilor, pinatay sa araw ng kasal ng kaniyang anak


Pampasaherong jeepney, naaksidente sa Davao City; 12 pasahero, sugatan

Bumangga ang isang pampasaherong jeepney sa steel barriers sa gilid ng kalsada sa Davao city na nagresulta sa pagkakasugat sa 12 sakay nito. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pampasaherong jeepney, naaksidente sa Davao City; 12 pasahero, sugatan


WATCH: Makabagong teknolohiya, gamit na ng PNP sa paglutas sa krimen

Kung high-tech na ang mga kriminal ngayon, hindi naman magpapahuli ang mga pulis na high-tech na rin ang mga paraan para mahuli ang mga gumagawa ng krimen. .. Continue: GMANetwork.com (source)



WATCH: Makabagong teknolohiya, gamit na ng PNP sa paglutas sa krimen


Pinarusahan daw: Bigote ng isang estudyante, hinila ni titser

Nasugatan ang itaas ng bibig ng isang estudyante sa Laoag city, Ilocos Norte dahil sa ginawa raw na puwersahang paghila ng kaniyang guro sa mahaba niyang bigote. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pinarusahan daw: Bigote ng isang estudyante, hinila ni titser


Ang 'Cabinet Crisis' sa pamahalaan noong 1923

Dahil sa pag-absuwelto sa isang "police detective" na inireklamo ng katiwalian, at kautusan na ibalik ito sa puwesto, nagbitiw sa posisyon ang ilang kasapi ng Gabinete at Council of State ang mga lider ng Kongreso na naitala sa kasaysayan ng pulitika bilang "Cabinet Crisis of 1923." .. Continue: GMANetwork.com (source)



Ang 'Cabinet Crisis' sa pamahalaan noong 1923


Pamilya ng 2 sundalong dinukot daw ng NPA sa Bukidnon, nanawagan ng tulong

Nananawagan ng tulong ang mga kaanak ng dalawang sundalong dinukot umano ng New People's Army sa Impasug-ong sa Bukidnon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pamilya ng 2 sundalong dinukot daw ng NPA sa Bukidnon, nanawagan ng tulong


Red tide alert, inalis na sa bayan ng Alaminos City sa Pangasinan

Bumalik na sa pagtitinda ng shellfish ang mga tindera sa Alaminos City, Pangasinan matapos alisin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) red tide alert sa lugar. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Red tide alert, inalis na sa bayan ng Alaminos City sa Pangasinan


Asong tinaga sa nguso, isinailalim sa reconstructive surgery sa Iloilo

Isinailalim sa operasyon ang aso na lumaylay ang nguso matapos na tagain umano ng kanilang kapitbahay dahil sa pag-aakalang ito ang kumain sa kaniyang alagang manok sa San Enrique, Iloilo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Asong tinaga sa nguso, isinailalim sa reconstructive surgery sa Iloilo


30ft. na lalim ng butas sa lupa, lumitaw sa Cebu sa paghupa ng bagyong 'Queenie'

Sa paghupa ng bagyong "Queenie," bumulaga ang sinkhole sa bayan ng Badian sa Cebu na may lalim na 30 talampakan at lapad na limang metro. .. Continue: GMANetwork.com (source)



30ft. na lalim ng butas sa lupa, lumitaw sa Cebu sa paghupa ng bagyong 'Queenie'


Hustisya, hiling ng mga kaanak ng pinaslang na babaeng Navy officer

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng pinaslang na Philippine Navy officer na natagpuang patay sa loob mismo ng Marine headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City noong Miyerkules. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Hustisya, hiling ng mga kaanak ng pinaslang na babaeng Navy officer


Inirereklamong guro ng pangmomolestiya, may relasyon sa kaniyang 12-anyos na estudyante?

Nahaharap sa reklamo ang isang lalaking high school teacher sa San Mateo, Rizal dahil sa pangmomolestiya umano nito sa isa niyang babaeng estudyante na 12-anyos. Ngunit batay sa kuwento ng estudyante, lumitaw na mayroon silang relasyon ng kaniyang guro at pumapayag siya sa ginagawa nito sa kaniya maliban sa pakikipagtalik. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Inirereklamong guro ng pangmomolestiya, may relasyon sa kaniyang 12-anyos na estudyante?


Friday, November 28, 2014

6-anyos na lalaki, sugatan nang mabaril sa mukha ng sumpak ng kaniyang kalaro

Nagtamo ng malubhang sugat sa mukha ang isang anim na taong gulang na lalaki sa Negros Occidental nang mabaril ito ng kaniyang kalaro na 10- taong-gulang na pinsan gamit ang isang sumpak. .. Continue: GMANetwork.com (source)



6-anyos na lalaki, sugatan nang mabaril sa mukha ng sumpak ng kaniyang kalaro


PBA legend Samboy Lim, nananatiling nasa ICU ng Medical City

Nananatiling nasa intensive care unit (ICU) ng Medical City hospital sa Pasig ang tinaguriang "Skywalker" ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Samboy Lim. .. Continue: GMANetwork.com (source)



PBA legend Samboy Lim, nananatiling nasa ICU ng Medical City


Lider ng isang robbery-carnapping group, nasakote sa QC

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lider ng isang robbery-carnapping group, at ang 4 nitong miyembro, sa operasyon na ginawa sa Quezon City, kaninang umaga.


Ayon kay Quezon City Police District Director Police Senior Superintendent Joel Pagdilao, ang kanilang operasyon sa Bgy. Culiat sa QC, ay bahagi ng kanilang Oplan Sita.


Nadakip sa operasyon ang lider ng grupo nakilalang si Ramon Africa at ang ilan pa nitong kapatid.


Nakuha mula sa grupo ang ilang motorsiklo na ginagamit umano ng mga ito sa operasyon, isang Toyota Vios na dating taxi na pinalitan ng kulay at kinabitan ng plaka na WYI 426. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lider ng isang robbery-carnapping group, nasakote sa QC


Aces nahirapan sa Road Warriors

DUMAAN muna sa butas ng karayom ang Alaska Aces bago kinaldag ang NLEX Road Warriors, 90-84, sa nagaganap na elimination round ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Umayuda ng 21 puntos si Dondon Hontiveros upang ilapit ang Alaska sa top two sa elims at para makakuha ng semifinals incentive.


May kartang 8-1 win-loss slate ang Aces habang lumagapak sa 9th place ang NLEX na may 3-6 record.


Hawak ng Road Warriors ang anim na puntos na abante, 82-76, may 2:15 minuto na lang sa fourth period subalit bumira si JV Casio ng short jumper sa tuktok at isang four-point play si Hontiveros para itabla ang iskor sa 82 may 1:30 minuto na lang sa orasan.


Hinigpitan ng Aces ang kanilang depensa kaya nakuha nila ang bola at nakapuntos si Thoss para mabawi nila ang lamang, 84-82, may 49 segundo na lang sa oras.


Pinasok din ni Calvin Abueva ang dalawang free throw, 20 segundo na lang para iselyo ng bahagya ang panalo ng Alaska.


Nakahabol ang Road Warriors sa second quarter at sa third canto ay nailayo nila ang kanilang kalamangan sa 15 puntos subalit humablot ng 14-2 run ang Aces para ibaba sa tatlo, 58-55, tungo sa huling quarter.


Nasa unahan ang NLEX, 47-41, nang biglang umiskor si Enrico Villanueva ng dalawang beses sa loob at si Jonas Villanueva ng isang tres at dalawang free throws para itarak ang pinakamalaking bentahe ng Road Warriors na 15 puntos, 56-41, sa third period.


Tumikada ng 4-of-7 sa three-point range si Borboran para pangunahan ang opensa ng NLEX na may 13 points sa unang dalawang quarters.


Sa fisrt quarter ay umarangkada agad sina Cyrus Baguio at Casio para makuha ng Alaska ang unahan 23-15. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Aces nahirapan sa Road Warriors


Municipal councilor, utas sa pamamaril

PALAISIPAN ngayon sa awtoridad ang pagkamatay ng isang municipal councilor matapos matagpuan ang bangkay nito malapit lang sa kanilang bahay kaninang madaling-araw, Nobyembre 29, sa Cavite.


Hinihinalang mahigit tatlong oras o mas higit pang patay ang biktima na nakilalang si Tanza councilor Wilfredo Nunez, 56.


Blangko pa ang Tanza police station kung sino naman ang nasa likod ng pamamaslang pero isa sa mga tinitignang anggulo ay may kaugnayan sa politika.


Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 12:45 ng madaling-araw may 20 metro lamang ang layo sa bahay nito.


Ayon sa imbestigasyon, may pinuntahang ang biktima pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na ito nakauwi pa.


Nalaman na lamang na patay ito nang madiskubre ang kanyang bangkay na tadtad ng tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.


Hinala naman pulisya na pinagbabaril ng hindi nakikilalang suspek ang biktima habang naglalakad ito sa lugar. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Municipal councilor, utas sa pamamaril


Samboy Lim, nag-collapse sa exhibition game

ISINUGOD sa ospital ang Filipino basketball legend na si Samboy “Skywalker” Lim, Nitong Biyernes ng gabi.


Ayon kay Carl Vendicacion, isa sa mga coach ng Skywalker Development Academy, nasa isang friendly basketball game si Lim nang maganap ang insidente.


Hindi pa naman napapasabak sa laro at nasa gilid palang ito ng court para mag-stretching nang biglang mahilo at bumagsak sa sahig ng basketball court.


Wala iba pang detalye ang nakuha sa lagay ni Lim na ngayon’y nasa intensive care unit (ICU) ng ospital. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Samboy Lim, nag-collapse sa exhibition game


Ingco at Adriatico, ipapa-lie detector test

DAHIL taliwas ang pahayag ng magkabilang panig hinggil sa kinasangkutan traffic altercation, iminungkahi ng awtoridad na ipa-lie detector test ang negosyanteng si Joseph Russel Ingco at ang sinaktan nitong si MMDA traffic constable Jorbe Adriatico para lumabas ang katotohanan.


Sa panayam sa isang telebisyon program kagabi, sinabi ni Ingco na kaya niya nagawang suntukin si Adriatico ay dahil sa takot na saktan siya nito at para na rin makatakas.


“Para makaalis ako, sinuntok ko po talaga siya. Pero hindi ko alam bakit hindi niya ako binibitawan. Wala naman akong na-violate,” pahayag ni Ingco. “Natatakot na rin ako sa kanya,” dagdag pa nito.


Ayon naman sa mga naunang pahayag ni Adriatico sa QCPD investigators, pinara niya si Ingco dahil sa paglabag sa isang batas-trapiko sa kanto ng Araneta at Quezon Ave. nitong nakaraang Huwebes ng umaga.


Binalikan siya ni Ingco sa kanyang puwesto nang makitang kinukunan niya ng video ang kotse nito habang tumakatas.


Mula aniya roon, tinawag siya ni Ingco habang nasa loob ng kanyang asul na Maserati at nang nasa tapat na ng bintana ay hinaltak siya papasok ng sasakyan saka tatlong ulit na pinagsusuntok habang tumatakbo ang kotse hanggang sa makarating sila sa may kanto ng Sct. Chuatoco at Panay Ave. sa Bgy. Roxas District. Kinuha rin umano ni Ingco ang cellphone ni Adriatico.


Bukod sa mga tinamong sugat at pasa, nabali ang ilong ni Adriatico habang naapektuhan naman ang misis at mga anak ni Ingco sa paninira sa kanya ng netizens sa social media.


Kinasuhan na ni Adriatico nitong nakaraang Huwebes sa QC court ang naturang negosyante ng mga kasong tulad ng serious physical injury, grave threats, direct assault on a person in authority at robbery.


Plano rin ni Ingco na magsampa ng kasong grave threats at physical injury laban kay Adriatico.


Sinabi naman ni MMDA chairman Francis Tolentino, na may halong kasinungalingan ang pahayag ni Ingco, Para aniya patas ay ipa-lie detector test na lang ang dalawa kung kulang pa ang kuha ng video bilang ebidensya sa nangyaring traffic altercation. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Ingco at Adriatico, ipapa-lie detector test


BuCor officials, pinaiimbestigahan sa DoJ

HINAMON ni acting Senate Minority Floorleader Vicente Sotto III ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na nakikipagsabwatan sa mga drug lord o sindikato ng iligal na droga.


Sa gitna na rin ito nang nabunyag na shabu laboratory sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).


Sinabi ni Sotto na imposibleng makapag-operate ng shabu laboratory sa loob ng NBP ng walang kasabwat na BuCor official.


Si Sotto na dating pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB) ay nagsusulong na ibalik ang parusang kamatayan laban sa drug traffickers. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



BuCor officials, pinaiimbestigahan sa DoJ


Hirit na makalabas ng bansa ni Cunanan, ibinasura ng Sandiganbayan

TULUYAN nang ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang hirit ni dating Technology and Resource Center (TRC) Director General Dennis Cunanan na makalabas ng bansa.


Ayon dito, wala silang nakitang bagong argumento na inihain ng kampo ni Cunanan sa motion for reconsideration kaya walang dahilan para baliktarin ang naunang desisyong nagbabasura sa motion to travel abroad nito.


Hinihiling ni Cunanan na makalabas ng bansa para magampanan ang tungkulin bilang Secretary General ng Junior Chamber International.


Si Cunanan ay idinawit ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy matapos itong tumanggap umano ng kickback mula kay Janet Lim-Napoles. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Hirit na makalabas ng bansa ni Cunanan, ibinasura ng Sandiganbayan


Militar, NPA nagkasagupang muli sa Misamis Oriental

DAHIL sa pagiging alerto, walang sundalong nalagas o masugatan sa nangyaring harassment ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa military base na nakabase sa Bgy. Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental.


Inihayag ni acting 4th ID spokesperson 1Lt. Joe Patrick Martinez na umaabot sa limang rebelde ang nagpaulan ng mga bala sa kanilang army patrol base subalit agad nakaalerto ang mga sundalo kaya hindi na masyadong nakalapit ang mga ito.


Agad nakapagpaputok ang mga sundalo kaya napaatras ang mga rebelde.


Sa ngayon, hinigpitan pa ng militar ang kanilang combat operations sa nasabing bahagi ng lalawigan upang hindi na maulit ang harassment ng mga rebelde.


Narekober sa lugar ang empty shells mula sa mga baril na AK-47 na ginamit ng mga rebelde.


Napag-alamang noong nakaraang linggo, sumiklab ang ilang araw na engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Bgy. Minalwang, Claveria nitong lalawigan na dalawang mga rebelde ang nalagas at sugatan ang tatlong sundalo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Militar, NPA nagkasagupang muli sa Misamis Oriental


LPG price rollback lalarga sa Disyembre

SA pagpasok ng Disyembre, ipatutupad ng ilang oil companies ang price rollback sa produkto ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).


Magpapatupad ng rollback sa presyo ng LPG ang Petron sa Disyembre 1, Lunes.


Mababawasan ng P1.20 ang kada kilo ng gasul at fiesta gas habang P0.65 naman sa kada kilo ng Auto LPG. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



LPG price rollback lalarga sa Disyembre


Weekend, magiging maulan — PAGASA

MAGIGING makulimlim hanggang sa may mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa ngayong weekend.


Batay sa pagtaya ng PAGASA, ang pag-ulan ay sa kabila ng tuluyang paglayo ng bagyong si Queenie.


Ayon kay Fernando Cada ng PAGASA, maraming nahilang kaulapan ang nagdaang sama ng panahon kaya dapat paghandaan ang mga biglaang buhos ng ulan.


Patuloy din umano ang kanilang monitoring sa bagong namumuong sama ng panahon sa silangang bahagi ng Pilipinas.


Sa kasalukuyan ay kumpol pa lang ito ng ulap ngunit malaking ang buwelo sa dagat kaya may posibilidad itong maging bagyo.


Kung aakyat sa tropical depression category ay bibigyan ito ng local name na Ruby na ika-18 sama ng panahon sa taong 2014. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Weekend, magiging maulan — PAGASA


Parusang kamatayan sa mga rapist, ipinababalik ni Sen. Santiago

IGINIIT ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na amyendahan ang Anti-Rape Law of 1997 para muling buhayin ang parusang bitay lalo na sa mga rapist.


Ayon sa senador, sa pamamgitan ng inihaing Senate Bill 2462 nais niyang palakasin ang Anti-Rape Law para gawing habambuhay na pagkabilanggo hanggang death penalty ang parusa.


Nais ni Santiago na “reclusion perpetua to death” ang parusa ng rapist na gumamit ng isang deadly weapon o ginawa ito ng dalawa o mahigit pang tao.


Kamatayan din ang kahaharapin ng isang suspek sa panggagahasa kapag nagkaroon ng psychological disorder ang biktima o magiging dahilan ng tangkang pagpapakamatay o pagkamatay ng biktima.


Naniniwala ang Senador na mareresolba ang kaso ng rape sa pamamagitan ng kanyang panukala at ang mga biktima ay kabataan na may edad 13 – 15. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Parusang kamatayan sa mga rapist, ipinababalik ni Sen. Santiago


Tatay, timbog sa droga at baril

ARESTADO ang isang padre de pamilya dahil sa pagtatago ng shabu at armas na sa Baao, Camarines Sur.


Ang naarestong suspek ay kinilalang si Alexander Bolalin, 42, ng nabanggit na lugar.


Napag-alamang tinungo ng mga awtoridad ang bahay ni Bolalin upang isilbi ang isang search warrant.


Sa kanilang paghahalughog, nakuha sa pag-iingat ni Bolalin ang dalawang sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, .38 caliber revolver at sampung bala para sa naturang baril.


Bunsod nito, agad na inaresto ang suspek na ngayon’y nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Tatay, timbog sa droga at baril


Lolo kinasuhan ng rape ng apo, nagpakamatay

HINIHINALANG ang matagal ng sigalot sa kanilang pamilya at ang kinakaharap na kaso ang nagtulak sa isang lolo upang magpakamatay sa Basud, Camarines Norte.


Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na kinilalang si Roberto Alpay, 72, matapos kitilin ang kanyang sariling buhay.


Nabatid na natagpuan na lamang ng kanyang anak ang biktimang nakabitin na sa loob ng kanilang bahay gamit ang isang lubid.


Napag-alamang mayroong nakabinbing kasong rape si Alpay sa Women and Children Protection Desk ng PNP Basud.


Ang kaso ay nag-ugat umano sa akusasyon ng sarili nitong menor-de-edad na apo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lolo kinasuhan ng rape ng apo, nagpakamatay


Construction worker, tepok sa hit-and-run

PATULOY na pinaghahanap ng pulisya ang responsable sa pagkamatay at nakabundol sa 42-anyos na construction worker sa San Fernando, Camarines Sur.


Natagpuan na lamang ang katawan ng biktimang si si July Cadiz sa tabi ng daan sa Bgy. Planza sa naturang bayan.


Ayon sa mga nakakita, isang humaharurot na sasakyan ang nakabundol sa biktima habang ito’y tumatawid sa lugar.


Subalit sa halip na tulungan ang biktima ay tuluyan itong tumakas.


Basag-basag na bungo at matinding sugat sa katawan ang tinamo ni Cadiz na sanhi ng kanyang kamatayan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Construction worker, tepok sa hit-and-run


Bitay sa rape bubuhayin ni Miriam

MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na buhayin ang parusang bitay particular sa mga rapists. .. Continue: Philstar.com (source)



Bitay sa rape bubuhayin ni Miriam


Mayor, 3 pa 10-taong kulong

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula anim hanggang sampung taon si da­ting Baganga, Davao Orien­tal Mayor Gerry Morales matap .. Continue: Philstar.com (source)



Mayor, 3 pa 10-taong kulong


Ona pa din sa DOH – Malacañang

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na walang katotohanan ang report na nagbitiw na kamakalawa si DOH Sec. .. Continue: Philstar.com (source)



Ona pa din sa DOH – Malacañang


Suspensyon ng klase sa Albay kinuwestyon ng solons

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng mga kongresista mula sa Bicol ang kautusan ni Albay Governor Joey Salceda nang pagdedeklara ng suspensyon ng lahat ng kl .. Continue: Philstar.com (source)



Suspensyon ng klase sa Albay kinuwestyon ng solons


Binay sa Boy Scouts: See you in Malacañang

MANILA, Philippines - Tiwala pa rin si Vice-President Jejomar Binay na magtatagumpay siya sa kanyang adhikain at nagpahiwatig na sa bandang huli ay sa Malaca .. Continue: Philstar.com (source)



Binay sa Boy Scouts: See you in Malacañang


Lady Gaga kinabog ni Pokwang sa production number niya sa awards night!

FEELING heaven ngayon si Pokwang dahil aside sa pinilahan sa U.S. at Canada ang pangalawang international movie niya sa The Filipino Channel (TFC) na EDSA Woolworth, early next year ay part rin si Pokie ng malaking teleserye na Nathaniel ng Dreamscape Entertainment kung saan siya ang gaganap na nanay ng grand winner sa The Voice Kids of the Philippines na si Lyca Gairanod.


Mukhang happy rin ngayon ang sikat na komedyanang singer-dancer sa kanyang lovelife dahil lalong nagiging malapit sila ngayon sa isa’t isa ng American actor na leading man niya sa Edsa na si Lee O’Brian na sabi, dahil sa sobrang pagkahumaling sa kanya ay mukhang ayaw nang umuwi ng Tate at gusto ng makasama ng habangbuhay si Pokey.


Samantala, sa katatapos lang na 28th Star Awards for Television ng PMPC na ginanap sa Solaire Resorts and Casino ay pinag-usapan talaga ang unkabogable na Lady Gaga production number ni Pokwang kung saan tila kinabog pa nito ang orihinal na Lady Gaga. Parang bangenge kasi si Lady Gaga kapag nagpi-perform samantalang si Pokey swabeng-swabe. At sa kanyang daring outfit at sexy dance movement na bigay na bigay, walang sinabi ang kumanta ng Poker Face sa kanya.


Very-very much agree gyud!


DREAM DAD NI ZANJOE MARUDO AT JANA AGONCILLO, WAGING-WAGI SA RATING


Every night kapag nasa bahay kami kasama ng aking mga minamahal na kids, sabay-sabay naming pinanonood ang Dream Dad na bagong teleserye ni Zanjoe Marudo kasama ang cute at bibong bagong tuklas na childstar ng Kapamilya network na si Jana Agoncillo.


Sa true, bongga ang feedback sa serye at panalo agad sa national ratings ng Kantar Media na 30.4%. Hindi pa nga lumalabas ang character ni Jana sa show ay pumalo na agad sila sa ratings. Paano light ang dating ng family drama soap kaya feel good talagang panoorin. Totoo ka, kaaliw talaga ang character ni Gloria Diaz rito na parating ipinaglalaban ang anak na si Baste (Zanjoe) sa milk magnate na mister na si Ariel Ureta.


Kahit na nagagalit na sa husband ay comedy pa rin ang dating ng mga eksena ni Ms. Diaz. Ang gusto lang naman kasi nito ay ang kapakanan ni Baste na huwag biglain sa mga bagay na hindi pa ito handa tulad ng ibinigay na posisyon ng ama (Ariel) na pumalit sa puwesto niya bilang CEO at Presidente ng ENS Milk company.


Mula sa matagumpay na Be Careful with My Heart na umabot na mahigit dalawang taon sa ere, mas tumindi pa ang husay at galing ni Direk Jeffrey Jeturian sa Dream Dad. Abangan ang mas marami pang nakaaaliw na mga eksena sa serye na magpapasaya sa inyo gabi-gabi. Mapanonood ito pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network. WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lady Gaga kinabog ni Pokwang sa production number niya sa awards night!


Pwede palang scriptwriter si Aling Maliit

SA presscon ng “My Big Bossing,” one of the entries sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December, maraming humanga kay Marian Rivera na kahit daw dapat ay nagpapahinga na siya para sa wedding nila ni Dingdong Dantes, tinutupad pa niya ang mga commitments niya. Ayon sa bride-to-be, kailangan daw niyang tuparin ang kanyang mga commitments na lahat ay naka-schedule na hanggang sa bago ang wedding day nila sa December 30 sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.


Hindi raw niya pwedeng hindi ipagmalaki ang episode nilang “Taktak” na may pagka-horror comedy na nagtatampok sa kanila nina Bossing Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Jose Manalo, mga Dabarkads niya sa “Eat Bulaga.”


Nag-enjoy daw siya sa first time role na ginampanan niya, that of a TV executive na sila ng investigative reporter na si Vince (Vic) ang nag-expose ng isang scam na involved si Angel (Ryzza Mae). Sa December 22, may premiere night ang movie sa SM Megamall Cinema 10 at sa December 23 ay sasakay naman sila sa float sa MMFF parade of stars.


Last Friday, tinapos na ni Marian ang taping ng dance show niyang “Marian,” and this week, magpapahinga na si Marian at events na lamang tungkol sa kasal nila ni Dingdong ang pupuntahan niya. Inilabas na niya ang invitation para sa formal event na Despedida de Soltera sa Wednesday, December 3, na dadaluhan ng kanilang family, relatives and close friends ni Dingdong. Balita ring may isa pang pre-nuptial party ang ibibigay sa kanila ni Dingdong aboard a yatch.


* * *


Pwede palang scriptwriter itong si Aling Maliit, Ryzza Mae Dizon. Dapat pala ay gagawin ni Vic Sotto sa Sunday sitcom nilang “Vampire Ang Daddy Ko” na isang sirena si Ryzza dahil gusto raw nitong gumanap na sirena.


Si Ryzza pa raw ang nagsabing ibabad siya sa patis para kunwari ay nasa tubig-alat siya sa dagat. Pero nagbago ang isip ni Bossing Vic, ginawa niya itong isa sa episodes ng trilogy movie nilang “My Big Bossing.”


Sa kwento naman ni direk Tony Y. Reyes, ito ang pinakamahirap na episode na ginawa nila. Unang-una, kailangang marunong lumangoy si Ryzza Mae, hindi lamang sa swimming pool, kundi sa dagat. Pero mahusay talaga si Ryzza, at humanga sa kanya si Direk Tony, matapos mag-aral lumangoy sa swimming pool nina Pauleen Luna, na may pabali-baliktad sa tubig, nagawa niya ito sa dagat, dahil alam niyang hindi naman siya pababayaan ng mga divers na nakaalalay sa kanila noong shooting.


* * *


Sa presscon, natanong si Bossing Vic Sotto kung sila pa rin kaya ang maging number one sa box-office, hindi ba siya nag-aalaala na malalakas rin ang makakalaban nila? Hindi raw siya nag-iisip ng pelikula ng iba, basta ang gusto lamang niya, mapaganda ang entry nila at mapasaya ang mga manonood nito simula sa December 25. Pinanood na nga raw niya ang rushes ng tatlong episodes at nangilid daw ang luha niya sa husay ng kanilang mga artista, lalo na si Ryzza na gumanap ng tatlong characters sa tatlong episodes.


Ang isa pang episode, ang “Prinsesa,” ay gumanap namang isang prinsesa si Ryzza at kasama niya rito sina Zoren Legaspi, Nikki Gil at Pauleen Luna. FRONT SEAT/NORA V. CALDERON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pwede palang scriptwriter si Aling Maliit