Tuesday, October 28, 2014

ZARZUELA DE SENADO AT MGA KENKOY NA POLITIKO

HINDI matatapos ang imbestigasyon ng subsub-komite ng Blue Ribbon ng Senado kontra kay VP Jejomar Binay hanggang mag-eleksyon sa 2016, tiyak iyan.


Hindi siya titigilan ng sparring partner ng Nacionalista Party na ang pangarap din ay tumakbo na Presidente at Bise-Presidente sa 2016, sina senador Alan Peter Cayetano at mga kasangga niya, tiyak iyan.


Isang buwan na ang pag-iimbestiga, urong ang bayag ni Blue Ribbon Committee chair TG Guingona sa tatlong musketero ng subsub komite nina Koko Pimentel, Cayetano et al.


Hanggang ngayon, puro bintang at alegasyon, hamunan at takutan na hahantong nga kaya sa isang pambansang debate?


Sa paghahamon ni VP Binay ng debate, call daw sabi ni Senador Tunying na gagawin sa Philippine International Convention Center (PICC) na kokontrolin ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas at pipiliin lang na mga hurado’t manonood?


Bakit?


Sa haba ng imbestigasyon, wala nang nagagawa ang mga senador kundi manood sa ZARZUEALA DE SENADO DE LA KAKENKOYAN.


Imadyin naman, milyon-milyon na ang nagagastos nila, tapon ang oras, tapon ang pera sa pag-arkila lang ng helicopter at ubos-gasolina!


Kung totoo ang debate nila, bakit sa PICC pa? Bakit hindi gawin ito sa harap ng publiko, sa Plaza Miranda o sa Luneta?


Isyu ng bayan. Salapi ng bayan ang sangkot sa usapan, siraan at wasakan nila, bakit itatago sa madlang pipol?


At si Cayetano naman, matapos ang huling surbey na lalong bumagsak, baka hindi na raw tatakbong Presidente sa eleksyon 2016, dapat lang!


Mula nang maupo ka sa Kamara hanggang Senado, wala ka pang nagagawa man lang na batas kundi mag-ingay, magwala, magbintang at manira sa kapwa mo politiko.


Baka nga kung buhay pa tatay mo, pinadapa ka na sa bangko at pinapalo ng sinturon dahil sa ugali mo na iyan.


Kung ang tatay mo noon ay produktibo at tunay na LAWMAKER, ikaw ay baligtad,


LAWBREAKER at TROUBLEMAKER!


Ang gulo mo eh.


Kung totoo lahat ang bintang at alegasyon ninyo kay VP Binay, sa ngalan ng katotohanan at tunay na misyon ng inyong pagbubulgar, why not bring the matter to the court like the Ombudsman and let them handle everything which is the right thing.


At kayo, gawin ang tunay na trabaho – mag-amyenda o lumikha ng napapanahong batas para sa bayan at mamamayan – intiende?


Magtira naman kayo ng pera sa mamamayan. Sa amin iyan!


Kung mas gusto ninyong mag-imbestiga lang sa Senado, better resign and apply kayo sa National Bureau of Investigation, doon kayo bagay! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



ZARZUELA DE SENADO AT MGA KENKOY NA POLITIKO


No comments:

Post a Comment