Tuesday, October 28, 2014

KATANGAHAN NG BID AT SUGAL KALAT SA LAGUNA

HINDI pinayagan ng mga taga-Bureau of Immigration and Deportation na makaalis ng bansa si Marc Sueselbeck, ang fiancé ng pinaslang na transgender woman na si Jeffrey “Jennifer” Laude.


Nauna rito, si Sueselbeck ay pwersahang pumasok sa Camp Aguinaldo kasama ang kapatid ng pinaslang na kasintahan para komprontahin sana ang suspek na si US Marines Joseph Scott Pemberton.


Balikan natin, parekoy, ang ginawang pagpigil ng mga taga-BID kay Sueselbeck para hindi ito makaalis ng bansa.


Ayon kay Commissioner Siegfred Mison, nararapat lamang na hindi paalisin ng bansa si Sueselbeck dahil may kinahaharap itong usapin sa pagiging “undesirable alien.”


Na kung mapatunayan ay may katapat na parusang . . . palayasin sa ating bansa.


King-ina! Ang gulo ng mga hinayupak na ito, ah.


Gusto nang umalis noong tao pero pinigil ninyo para kung mapatunayang “undesirable alien” nga ay inyong palalayasin!


Eh, ‘di gumastos pa kayo ng oras, pinagod pa ang mga personnel at sasailalim pa talaga sa proseso gayung gusto lang naman pala ninyong palayasin ‘yung tao. Na ngayon pa nga lang ay gusto nang lumayas! Hak, hak, hak! WTF!


Opps, sandali, parekoy, dito na sa pangalawang isyu tayo hindi magkakasundo.


Dahil maging ang suspek na si Pemberton ay isinasailalim din ng DOJ sa usapin ng pagiging “undesirable alien.” Ungas yata talaga ang mga hijo de-putang ito, ahh.


Paano kung mapatunayan ninyo agad na undesirable nga ang animal na Pemberton? Ibig-sabihin ay ide-deport ninyo ito o palalayasin siya sa Pinas? Ha?


Sabagay, hindi na nakapagtataka, parekoy, dahil ngayon pa nga lang ay halatang pinapanigan pa ng ating gobyerno para hindi natin makuha ang kustodya kay Pemberton!


Pinatutunayan lang talaga ng ating mga opisyal na basta kay Angkol Sam ay bukal sa loob natin na magpagahasa, magpapatay at magpasalaula! Tangna ng lelang ninyong lahat! Pwe!


-o0o-


Talagang ubod ng lakas itong tinaguriang Laguna “bookies king” na si dating Bay, Laguna Mayor Edwin Ramos na mas lalong kilala sa tawag na ER.


Kahit sandamakmak na ang sumbong sa walang humpay na operasyon ng bookies ng STL nitong si ER sa Bay at sa Los Baños ay hindi pa rin ito natitinag.


Ang dahilan, parekoy, super-lakas nga ito kay bagong Laguna Gov. Ramil Hernandez at Provincial Director Supt. Florendo Saligao.


Katunayan ng kakaibang tikas nitong si ER ay maging ang CIDG at DILG ay hindi ito kayang lansagin. Tsk, tsk, tsk!


Ano kaya ang masasabi rito ni RD Gatchalian? BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



KATANGAHAN NG BID AT SUGAL KALAT SA LAGUNA


No comments:

Post a Comment